Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Liriko An Intimate Night of Music nina Troy Laureta at Dessa 

Liriko: An Intimate Night of Music show para Sa Golden Gays at Gabay ng Landas

ISANG Filipino producer na nasa LA sa Amerika, si Jensen Carlo Quijano, ang nag-produce ng show na ang lahat ng proceeds ay ibibigay sa Home for the Golden Gays at Gabay Sa Landas dito sa Pilipinas.

Ito ay ang Liriko: An Intimate Night of Music nina Troy Laureta at Dessa at marami pang iba na gaganapin sa April 26 ng gabi, US time, sa Kusina Filipina sa Cerritos, California.

Alam kasi ni Jensen ang sitwasyon ng grupo ng LGBTQ+ dito sa Pilipinas na patuloy na lumalaban sa buhay kabilang na ang pagkakaroon ng permanenteng bahay na matitirhan.

Nakadudurog, nakakayurak ng puso minsan na makita na lalo na sa industry natin, at saka sabihin na natin, ‘yung sa sekswalidad natin, na ‘pag matanda ka na sa Pilipinas, na minsan wala ka ng halaga.

“Sa Pilipinas ‘pag matanda, tapos bakla ka pa, kinukutya na parang… kasi honestly ako, I had that stigma from my own family na parang, ‘O wala kang mararating kasi bakla ka,’ ‘di ba? 

“Parang you’ll end up like in the parlor, I’m sorry for the lack of better term na, ‘Ang gagawin mo lang is ch_ch_pa ka ng mga lalaki.’

“Mga ganoon ‘yung idea nila. So…and I have to basically, fight that kind of stigma na parang to show my mom and my dad that I will not go that route of life. 

“Kasi palaging ganoon ‘yung sinasabi nila na, ‘O bakla ka, you’re hopeless’, ganoon. 

“So masakit pong isipin na ganoon ‘yung palaging tingin ng society natin, especially the Philippine society, sa mga ganitong sekswalidad.

“Talagang nakakaawa po. Hindi ko talagang maatim kasi ako, galing ako sa hindi po marangyang pamilya sa Pilipinas. 

“I came from not a very impoverished family, but like a simple family, very simple. I mean, hindi naman ako sumasala, pero I struggled a lot, na parang I sent myself to college na parang ang hirap. 

“Mahirap ‘yung naging buhay ko, na at the early age of 18, I started working, so I know na mahirap talaga.

“Tapos nakita ko ‘yung buhay nila and especially right now, hindi lang siya… it’s not just catering for golden gays, but also for the silver gays. 

“So parang what we are aiming honestly, is for us to build a retirement home for the gays. For them to be embraced, for them to be accepted. Ito ‘yung ini-aim namin, na magkaroon talaga ng bahay, na parang I might go ahead and call it like a Home for the Gays. Para to those who will be evicted, to those who doesn’t have a roof to stay, that’s what we are aiming, me and my husband.”

Ang Darsen 12 Foundation, ang producer ng Liriko nina Jansen at ng kanyang asawang si Darwin Anthony Quijano. (Rommel Gonzales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …