ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAGIGING makulay at masaya ang ihahandog ng Barangay Libid para sa kanilang 50th Grand Santacruzan. Ito ay magaganap sa Mayo 4, 2025 sa ganap na ika-5 ng hapon, bilang bahagi ng Alay sa “Pista ng Krus”.
Upang lalong painitin pa at ma-promote ang nabanggit na event, naging matagumpay ang isinagawang meet the press guesting sa program ni Pokwang sa “TikToClock” ng GMA 7 para sa Reyna at Konsorte sa gaganaping Santacruzan.
Kaya naman nagpapasalamat ang isa sa organizers nito na si Gomer Celestial kay Erick Tajanlagit ng GMA-7 para sa kanyang tulong.
Anyway, tampok sa nasabing pagdiriwang ang Sparkle artists ng GMA-7 na sina Faith da Silva bilang May Flower Queen at Bryce Eusebio na Konsorte ni Khloe Zolenn Gabrielle Anore bilang Reyna Elena.
Kabilang sa pangunahing tauhan ng 50th Grand Santacruzan sina Rose Camille Opiniano bilang Santa Elena at Calum Izaak Aparato bilang Haring Konstantino, Ellyshia Mangubat, James Val Aralar (Reyna Emperatriz), Franchesca Nicole Ismael (Reyna Elena de Binangonan), Riany Lao (Queen of May), Serenity Rosario, Jerome Losande (Reyna Elena 1), Sophia Marie Jedeclo, Gielian Jose Aguila (Reyna Elena 11), Claire Victoria Bondoc, Gian Karl Bondoc (Reyna Elena 111), Allysa Marie A. Paralejas, James Loiue A. Mariano, (Reyna Elena 1V), Xzantia Bernice Tongohan (Reyna delas Flores).
Ang ilang pa sa magbibigay kulay dito ay sina Chandrea Kleight G. Alambio, Rione Keif Bolado, (Little Reyna Emperatriz), Antoinette Cello, John Ezrael Marcha, ( Little Reyna Elena), Maxene Khaycee Ducusin ( Little Mayflower Queen), Elle Kylie San Juan, Zoe Camilla Ojeda, Ethna Klyde San Juan (Little Queen of May), Ma. Xandria Louis Po, Jhay Em Cebanico Valenzuela (Little Reyna delas Flores), Regina Jhozen Tejada Cruz, Zione Asthon Tirados ( Little Reyna Sentenciada), Keilah Gray, Sabiniano, Andrei Marcus Alcantara ( Little Reyna Judith) at Nini Godeloson (Little Reyna Banderada).
Lalahok din sa nasabing pagdiriwang ang 16 pairs na Reyna at Konsorte ng Santacruzan.
Ayon kay Barangay Chairman Gil ‘Aga’ Anore, ang selebrasyon ay mayroong temang “Ginintuang Pagtatanghal sa Santa Crus.”
Si Chairman Anore ang Kapitan ng Barangay Libid.
Dito’y magkakaroon ng programa pagkatapos ng Santacruzan sa Binangonan Town Plaza at maghahandog din ng “Cotillion de Honor” ang mga kalahok na Reyna at Konsorte ng Santacruzan sa pamamahala ni Charlie de Guzman.
Ang nasabing pagdiriwang ay sa pagtataguyod ng Sangguniang Barangay ng Libid at ng SWITCH FIBER, Cafe de Lawa, sa tulong nina Marish Blanco, Olive Cello, Gomer Celestial, at sa direksiyon ni Bobbit Patag.
Nagpapasalamat din si Gomer kay Kian Joshua Allares Ruiz sa kanyang mga kuhang larawan.
Kabilang din sa pinasasalamatan sa nasabing okasyon ang designers na sina Patricia Bella Sison para sa gown ni Faith da Silva at Michael Ponce para naman sa kasuotan ni Bryce.