Friday , May 16 2025
TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad ng safety adaptation plan na akma sa kani-kanilang industriya at operasyon dahil maaaring ikamatay ng mga manggagawa ang kasalukuyang temperatura.

Ayon sa report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), pumalo na nga sa 50°C o “dangerous level” ng heat index ang temperatura sa kalakhang Maynila at CALABARZON.

Ito na umano ang pinakamainit na temperaturang naitala ng PAG-ASA at hindi nalalayo rito ang init na nararanasan rin sa iba pang mga rehiyon.

Bilang pagkilala sa masamang epekto sa kalusugan na idinudulot ng matinding init gaya ng panghihina ng katawan, heatstroke, at paglala ng mga umiiral na kondisyon sa kalusugan, nanawagan ang tagapagsalita ng TRABAHO Partylist na si Atty. Mitchell Espiritu sa mga ahensiya ng gobyerno at pribadong mga employer na magpatupad ng alternatibong work arrangement.

Upang matiyak ang pagsunod ng mga manggagawa, hinimok ng tagapagsalita ang mga employer na ipabatid nila na ang mga hydration break na ito ay bahagi ng bayad na oras ng pagtatrabaho.

“Huwag din po nating hayaang mabilad ang mga mangagagawa. Responsibilidad po ng mga employer na bigyan sila ng sapat at naaayom na protective uniform laban sa init at polusyon,” dagdag ng tagapagsalita.

Ang panawagan ng TRABAHO Partylist ay sang-ayon sa plataporma nitong siguruhin ang kapakanan ng mga manggagawa.

About hataw tabloid

Check Also

Along Malapitan

Along Malapitan nanguna sa mga Batang Kankaloo

ITINAAS na ng Commission on Elections (Comelec) board of canvassers ang kamay ng nanalong alkalde …

Senate Senado

12 Senator-elect target  iproklama sa 17 Mayo

TARGET ng Commission on Elections (Comelec) na maiproklama ang 12 nagwaging senador sa katatapos na …

Comelec Elections

Mga artistang hindi pinalad 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMING mga talunan sa mga taga-showbiz. Nandiyan sina Ara Mina, Ejay …

Sam Verzosa Dan Fernandez Ejay Falcon Bong Revilla Manny Pacquiao Willie Revillame Phillip Salvador Vico Sotto

SV, Dan, Ejay pagkatalo maagang tinanggap; Bong, Manny, Willie, Ipe olats; Vico pinakain ng alikabok ang kalaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GUSTO rin namin ang ginawang pag-concede nina Sam Verzosa, Dan Fernandez, …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis Manzano bigo bilang VG ng Batangas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGKAHALONG saya at lungkot for sure ang nararamdaman ng mahal nating …