Thursday , May 15 2025
Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. 2 Most Wanted Person (MWP) sa tala ng Marilao, Bulacan, dahil sa kasong panggagahasa.

Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Marilao MPS ang suspek dakong 12:30 ng hapon, nitong Martes, 22 Abril.

Isinagawa ang joint manhunt operation ng Tracker Team at ng Women and Children’s Protection Desk ng Marilao MPS sa Urban Deca Homes, Brgy. Abangan Sur, sa nabanggit na bayan.

Kinilala ang suspek na isang alyas ​​JK, dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape sa ilalim ng Article 266-A paragraph 1(d) ng Revised Penal Code, na inilabas ni Presiding Judge Johnmuel Romano Ritzhard David Mendoza, Cabanatuan City, Nueva City RTC Branch 26 na walang inirekomendang piyansa.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Marilao MPS ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at ibabalik sa court of origin para sa karagdagang legal na paglilitis. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …