Thursday , May 15 2025
Nora Aunor Pagpupugay Ng Bayan

Pagkanta ng mga Noranian ng Superstar Ng Buhay Ko nakaaantig ng puso

RATED R
ni Rommel Gonzales

HINDI inalintana ng magkakapatid na  Lotlot, Ian, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon at kani-kanilang mga pamilya ang matinding sikat ng araw habang naglalakad sa Libingan Ng Mga Bayani para ihatid sa huling hantungan ang ina nilang Superstar na si National Artist Nora Aunor.

Halos mga walang tulog sa huling lamay noong nakaraang gabi, 6:30 a.m. pa lamang the following morning ay idinaos na ang misa para kay Ate Guy ng kanyang close family members and friends.

Walang tatalo sa pagmamahal at pagsuporta ng matatalik na kaibigan ni Lotlot na simula sa mga huling sandali ni Ate Guy sa ospital, hanggang sa paglalagak sa kanya sa Libingan ng Mga Bayani ay hindi iniwanan ang aktres at ang buong pamilya ni Ate Guy.

Ibang klase kayo, Nadia Montenegro, Shyr Valdez, Cachie Roque, Kookoo Gonzales, Arnel Quiambao, at ang mag-asawang Pinky Esturco at Aris Caslib.

Grabe kayo!

Special mention sa asawa ni Lotlot na si Fadi El Soury na naging sandigan ng aktres sa masakit na panahong ito. Ganoon din kay Jericho Rosales na walang kaparis ang pag-alalay sa apo ni Ate Guy na si Janine Gutierrez na kasintahan ni Echo.

Hindi rin umaalis sa tabi ni Ian ang misis niyang si Jen, at sa tabi ni Matet ang mister niyang si Mickey Estrada.

Maging si Vonnel Mirandilla (na napakatagal ng kaibigan nina Lotlot at Ate Guy), nasa ibang bansa man ay tila nasa tabi rin ni Lotlot sa pagsuporta.

Matapos ang misa, bandang 7:00 a.m.  ay lumisan na ang Superstar sa The Heritage Chapels sa Taguig City para dalhin sa Metropolitan Theater para sa Necrological Service na iniaalay para sa mga yumaong national artists.

Kabilang sa mga dumalo sa MET sina National Artist Ricky Lee, Charo Santos-Concio, Joel Lamangan, Noel Ferrer, Cultural Center of the Philippines Vice Chairperson Carissa Coscolluela, National Commission for Culture and the Arts (NCCA), represented by Dr. Eric B. Zerrudo na nagbigay din ng parangal sa superstar.

Ang mensahe ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay binasa ni NCCA Chair Victorino Mapa Manalo.

Si CCP President Kaye C. Tinga ang nagbigay ng final tribute para kay Ate Guy.

May mga song number sa service sina Aicelle Santos, Jed Madela, at Angeline Quinto.

Matapos sa MET ay inilipat na ang labi ni Ate Guy sa Libingan Ng Mga Bayani.

During the funeral march sa Libigan ng Mga Bayani na tumagal ng halos 20 minuto ay tumangging magpapayong sina Senador Robin Padilla at Bong Go, at Senatorial candidate Phillip Salvador na tulad ng halos lahat ng mga Noranian  ay sinuong ang napakainit na sikat ng araw para sa kanilang minamahal na supertar.

Matindi man ang sikat ng araw ay naglakad din sina Tito Ricky Lee, director Adolf Alix, Jr., Imelda Papin, at Iza Calzado sa paghahatid sa huling hantungan ng superstar.

Unang beses naming nakamasid ng libing ng isang national artist at napakaganda pala talaga ng seremonyas.

Ngunit wala ng gaganda pa sa sabay-sabay na pag-awit ng napakaraming Noranians, bata at matanda, lalaki, babae, tomboy at bakla ng Superstar Ng Buhay Ko habang inililibing na ang superstar.

Bato man ang puso ng isang tao ay tiyak na aagos ang luha mula sa kanyang mga mata habang pinakikikingan ang pagharana ng mga Noranian kay Ate Guy sa huling pagkakataon.

Nakaaantig din ng damdamin na marinig ang paghagulhol at pananangis ng Noranians sa kanilang pamamaalam sa superstar na napakaraming dekada na nilang minahal.

May you rest in peace, Ms. Nora Aunor…

About Rommel Gonzales

Check Also

EastEest Puregold 1M Cash Credit Promo

East West Bank inanunsiyo wagi ng P1-M sa EW-Puregold Cash Credit Promo 

MAY nanalo na! Opisyal nang inanunsiyo ng EastWest Bank, kasama ang Puregold, ang mga suwerteng …

Jeric Gonzales

Jeric gustong maging housemate

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle artist na si Jeric Gonzales na lalong nagiging …

Diego Loyzaga Sue Ramirez In Between

Diego sa anak muna nakatutok, lovelife zero

RATED Rni Rommel Gonzales RELELASYON ni Diego Loyzaga nawala siyang karelasyon ngayon. ”My life has …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …