Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gun poinnt

Naipit sa trapiko
Driver tiklo sa panunutok ng baril

DINAKIP ng pulisya ang isang lalaking driver matapos ireklamo ng panunutok ng baril laban sa isang driver nang magkagitgitan sa trapiko sa  bayan ng Guiguinto, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ng biktima ang isang garbage truck sa kahabaan ng C. Mercado St., sa nabanggit na bayan, nang siya ay pansamantalang natigil sa intersection dahil sa matinding trapik.

Samantala, ang suspek na sakay ng isang Toyota Hilux, ay nagtangkang dumaan ngunit napigilan ng pagsisikip sa trapik.

Sa hindi malamang dahilan, sinasabing ginawa ng suspek ang malaswang pagkumpas ng kamay sa biktima at iniumang ang isang Taurus G2C 9mm pistol na may serial number ADD255972, kargado ng walong bala.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na nagsasagawa ng visibility patrol sa lugar na naging dahilan ng agarang pagkakaaresto sa suspek.

Inihahanda na ang mga kasong Grave Threat, Usurpation of Authority, at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kaugnay ng Omnibus Election Code, na isasampa laban sa suspek na nasa kustodiya na ng Guiguinto MPS. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …