Wednesday , May 14 2025
Joey Salceda

Mahahalagang benipisyong pamana ni Salceda para sa mga Seniors

LEGAZPI CITY – Mahalagang mga benepisyo para sa mga ‘Senior Citizens’ (SC) ang iiwanan ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda sa pagtatapos ng kanyang termino sa Kamara sa darating na Hunyo. Mga limang milyon sa naturang SCs ang mahirap. Nangangampanya siya ngayon sa muling pagka-gubernador ng Albay.

Nitong nakaraang 2024, pinamunuan ni Salceda ang ‘joint House Ways and Means, Senior Citizens (SC), and Persons with Disabilities (PWD) committees’ o Tricom na bumalangkas ng naturang mga dagdag benepisyo, lalo na sa mga gamot nilang kailangan. 

Ayon kay Salceda na kinikilala na ngayon bilang ‘Kampiyon ng Matatanda,’ nakuha rin nila ang pangako ng Philhealth na gawing libre ang mga serbisyo para sa ‘Seniors’ sa ilalim ng ‘Universal Health Care Law,’ dagdagan ang benepisyo nila kaugnay sa mga pangunahing sakit na sanhi ng kamatayan, at gawing simple at higit na madali ang kanilang pagrehistro sa ahensiya.

Kung ihahambing sa 30 hanggang 50 porsiyentong (%) dagdag pakinabang sa ibang mga kaso ng mga Seniors, malaking hindi hamak ang mga bagong dagdag benepisyong binalangkas ng Tricom nina Salceda sa limang pangunahing sakit na dahilan ng kamatayan ng mga Seniors, gaya ng mga sumusunod:

a) ‘Schematic heart diseases and cerebrovascular diseases (Top 1) — Percutaneous Coronary Intervention (PCI) or coronary angioplasty at P524,000 from P30,300 or over 1,600% hike; Fibrinolysis at P133,500 from P30,290 or 900% increase; b) Pneumonia (Top 2) — High risk, P32,000 to P90,000 (181% hike); Moderate risk from P19,500 to P29,250 (50% increase);’

c) ‘Cerebrovascular disease or stroke (Top 3) – Acute stroke, P28,000 to P76,000 (171% increase), Hemorrhagic stroke, PHP38,000 to PHP80,000 (110% increase); 

d) Cancer (Top 4) — Breast cancer from P100,000 to P1.4 million (1300% hike);

e) Diabetes (Top 5), from P4,000 to P6,350 increased per session (58% increase).’

Batay sa ‘item e) sa itaas, ang isang CKD pasyente ay maaaring makinabang ng hanggang P990,600 benepisyong proteksiyon sa isang taon mula sa dating P624,000 bawat taon.  

Niliwanag ni Salceda na ang Philhealth ‘senior discounts’ ay hiwalay sa iba pang ‘Philhealth benefits,’ na nangangahulugan ng karagdagang 5% hanggang 20% tipid, depende sa laki ng kabawasan

Bukod dito, sinabi ni Salceda na nangako rin ang ‘Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)’ na magbibigay sila sadyang laang pagsasanay na programa para sa mga ‘Seniors’ sa ilalim ng isang ‘Memorandum of Agreement’ na nilagdaan sa pagitan ng TESDA at ‘National Commission on Senior Citizens,’ na nagkabisa nitong nakaraang Pebrero 2025;

Sa panig naman ng ‘Department of Labor and Employment (DOLE),’ sinabi ni Salceda na nangako din ang ahensiya na papayagan ng ahensiya na mahirang na mag-empleyo ang mga ‘Seniors’ sa ilalim ng programang TUPAD [Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers], kung maaari at kaya pa nilang magtrabaho.

Bukod sa mga nabanggit na, sinabi rin ni Salceda na pinakikinabangan na ng mga ‘Seniors’ ngayon ang dagdag benepisyong tawad sa binibili nilang ‘basic goods’ – P500 mula sa dating P260 bawat buwan. Ang tad benepisyo ng mga ‘Seniors’ ay hiwalay sa mga presyong promosyunal na dating itinuturing na tawad na nila;

Mayron pang ibang benepisyong pakinabang ang mga ‘Seniors’ ayon kay Salceda kasama na ang pagtanggal sa deating ‘booklet requirement’ sa pagbili nila ng gamot, higit na madaling mga regulasyon para sa ‘Senior discounts,’ at libreng pagparada ng sasakyan nila sa ‘parking lots’ ng mga malalaking ‘malss; at iba pang mga establisamento.

Ibinahagi din ni Salceda na pinag-aaralan ng San Miguel Corporation (SMC) kung paano nila mabibigyan ng 20% ‘discount’ ang mga ‘Seniors’ na gumagamit sa mga ‘expressways’ nito kahit wala ito sa mga umiiral na batas. Sa ngayon, mahigpit na ring mino-‘monitor’ ang mga ‘major online shopping networks’ at ‘online food deliveries’ kaugnay sa istriktong pagpapatupad ng ‘20% discount’ para sa mga .Seniors’ na maaari na ring gamitin ang kanilang ‘TNVS [Transport Network Vehicle Service] discounts’ sa pamagitan ng pag-‘upload’ ng kanilang ‘senior citizens ID card’ sa mga TNVS app. 

Narito ang listahan ng mga gamot na ‘VAT-free’ para sa mga ‘Seniors’ (na hiwalay pa sa umiiral nilang ‘20% discount’) sa ilalim ng RA 10963 (TRAIN Law), 11467 (Vape Tax Law) and 11534 (CREATE Act): Gamot sa Cancer – ‘Apalutamide 60mg Film-Coated Tablet Brigatinib (30 mg, 90 mg, 180 mg) Film-Coated Tablets; Dabrafenib (As Mesilate) (50 mg, 75 mg) Capsules, Daratumumab 1,800 mg/15 mL Solution for Injection;’

‘Doxorubicin hydrochloride 2 mg/mL (50 mg/25 mL), Pegylated Liposomal Concentrate Solution for Injection for I.V. Infusion, Fluorouracil 50 mg/mL (250 mg/5 mL) Solution For Injection (IV), Gemcitabine (as hydrochloride) 10 mg/mL Solution for Injection for I.V. Infusion (Ready-to-Infuse), Goserelin (as Acetate) (3.6 mg, 10.8 mg) Depot in Pre-Filled Syringe (SC Injection), Irinotecan (as hydrochloride) 20 mg/mL (500 mg/25 mL), Concentrate Solution for Intravenous (I.V.) Infusion;’

‘Leuprorelin Acetate (1.88 mg/mL, 3.75 mg/mL, 11.25 mg/mL); Powder for Prolonged-Release Suspension for Injection (IM/SC); Nilotinib (as hydrochloride dihydrate) (150 mg, 200 mg) Capsules; Ondansetron (as hydrochloride dihydrate) 4 mg/5 mL Syrup; Ondansetron (as hydrochloride) 2 mg/mL Solution For Injection (IM/IV); Pralsetinib 100 mg Capsule, Trifluridine + Tiparicil (as Hydrochloride) (15 mg/6.14 mg, 20 mg/8.19 mg) Film-Coated Tablets;’

Gamot sa Diabetes – ‘Gemigliptin (as tartrate sesquihydrate) + Metformin hydrochloride 50 mg/1 g Film-Coated Tablet; Insulin Lispro 100 Units/mL Suspension for Injection (SC); Metformin Hydrochloride 1 g Prolonged-Release Tablet; Pioglitazone (as Hydrochloride) + Metformin Hydrochloride (15 mg/500 mg, 30 mg/500 mg) Sustained-Release Tablets;’ 

Gamot sa ‘Kidney Disease — Ketoanalogues + Essential Amino Acids 630 mg Film-Coated Tablet; Peritoneal Dialysis Solutions with varying dextrose concentrations; Medicines for Mental Illness — Lurasidone Hydrochloride (40 mg, 80 mg) Film-Coated Tablets, Risperidone (1 mg, 2 mg) Orodispersible Tablets;’ 

Gamot sa Tuberculosis – ‘Rifampicin + Isoniazid + Ethambutol Hydrochloride 150 mg/75 mg/300 mg Film-Coated Tablet; Medicines for High Cholesterol — Ezetimibe + Simvastatin (10 mg/10 mg, 10 mg/20 mg, 10 mg/40 mg) Tablet/Oral Tablet; Medicines for Hypertension — Losartan potassium + Amlodipine camsylate (as camsilate) (50 mg/5 mg, 100 mg/5 mg) Film-Coated Tablets.’ 

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …