Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Masisikmura ba ng DDS na iboto si Imee?

SIPAT
ni Mat Vicencio

SA KABILA ng pambobola ni Senator Imee Marcos sa pamilyang Duterte, magagawa bang sundin ng libo-libong DDS ang panawagan ni Vice President Sara Duterte na suportahan at iboto ang senadora sa darating na eleksiyon?

Sa ngayon, napakahirap at napakabigat sa mga DDS na tanggapin ang ginawang endorsement ni Sara kay Imee. Mahal na mahal ng mga DDS si Sara, pero hindi maikakaila na kapatid pa rin ni Imee si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na responsable kung bakit nakakulong ngayon sa The Hague si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Bukong-buko ang mga ‘paikot’ ni Imee tulad na lang ng imbestigasyong ipinatawag sa Senado na tanging layunin ay makombinsi at mapaniwala ang mga DDS sa kanyang pagmamahal at pagmamalasakit kay Digong.

Sabi nga ni Senator Chiz Escudero… “I urge Senator Imee Marcos to refrain from using the Senate as a platform for her personal political objectives!”

At hindi pa ba sapat ang pangyayaring mismong si Imee ang nagkombinsi kay Sara na tumakbo na lang bilang vice president na nagresulta para ang kanyang kapatid na si Bongbong ay maging pangulo ng Filipinas.

Dahil sa pangyayari, galit na galit si Digong lalo na ang mga DDS dahil ‘nabudol’ sila ni Imee at naglaho ang posisyong pangulo na nakalaan sana para kay Sara.

At ngayon, sa panahon ng eleksiyon, ang endorsement ni Sara ay tiyak na sasamantalahin ni Imee para lubusang makuha ang boto ng mga DDS dahil sa naghihingalo niyang kandidatura.

Marami naman ang nagsasabing ang hakbang ni Sara ay para sa sariling survival dahil sa susunod na Hunyo, sasalang na ang bise presidente sa impeachment trial sa Senado at kinakailangan makakuha ng walong boto para maabsuwelto.

Kaya nga, kahit labag sa kalooban ni Sara, obligadong ibigay niya ang endorsement kay Imee para makalusot sa kinakaharap na impeachment case at tuluyang makatakbo bilang pangulo sa darating na 2028 presidential elections.

Pero sapat ba ang endorsement ni Sara para manalo si Imee sa halalan?  Paano naman ang mga grupong tulad ng Marcos loyalist, dilawan, kaliwa at iba pang political forces na hindi iboboto si Imee?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …