Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Mailap na illegal recruiter nadakma sa labas ng simbahan

NASAKOTE ang isang babaeng matagal nang wanted sa pagiging illegal recruiter sa labas ng isang simbahan sa bayan ng Balagtas, sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay P/Maj. Mark Vincent Centinaje, hepe ng Balagtas MPS, nagre-recruit ang suspek na kinilalang si alyas Neldy ng mga babae para gawing restaurant server sa Malaysia pero sa prostitusyon ang bagsak.

Napag-alamang nahihimok ng suspek ang mga biktima dahil sa salita na wala silang babayaran sa processing ng mga papeles at pagbanggit na wala silang gagawin kundi maging server o mga waitress sa mga restaurant at mga bar sa Malaysia.

Ngunit imbes maging waitress at dahil walang working visa ang mga biktima, ang bagsak nila ay ginagawa silang prostitutes.

Ayon pa kay P/Maj. Centinaje, mula sa Bulacan ay dadalhin ng suspek ang mga biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang ibiyahe sa Palawan.

Mula sa airport ng Palawan, susunduin ang mga biktima ng van patungong Brooke’s Point upang ibiyahe sakay ng speedboat sa Balabac, Palawan.

Mula naman dito, ililipat muli sila sa isa pang speedboat upang dalhin sa Kudat, Malaysia.

Sa naging reklamo ng mga biktima, inaalok sila ng suspek ng trabaho sa abroad na P50,000 hanggang P60,000 sahod kada buwan.

Dagdag ni P/Maj. Centinaje, hinuhuli ang mga biktima sa mga pinagtratrabahuang bar dahil walang kaukulang papeles na maipakita sa mga awtoridad.

Payo ng PNP, maging vigilant sa nakakausap na mga tao na nag-aalok ng trabaho sa abroad.

Samantala, katuwiran ng suspek na nakakulong ngayon sa Balagtas MPS custodial facilty, nadamay lang siya sa ibinibintang sa kanya.

Nakatakdang sampahan ng kasong human trafficking at large-scale illegal recruitment ang suspek sa hukuman. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …