Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez

Jojo I Love You, Boy ni Timmy Cruz ang isusunod na kakantahin

HARD TALK
ni Pilar Mateo

MABILIS lumakad ang panahon.

Kamakailan inilunsad ang orihinal na kanta niyang Nandito Lang Ako na tinangkilik ng Star Musicnaghahanda na ng panibago niyang cover ang Revival King na si Jojo Mendrez sa pamamagitan ng awit ni Timmy Cruz na I Love You, Boy.

Very proud si Jojo nang awitin ito sa birthday celebration ng reporter cum online host, manager and producer na si Jobert Sucaldito sa Music Box powered by the Library.

Naging special guest si Jojo together with Malu Barry sa show Jobert lroduced for his alaga Kurt Fajardo, via Heart and Soul.

Muntik pa ngang hindi makapag-perform si Jojo dahil umatake ang kanyang gout. Pero naisip naman nito na the show must go on. At marami ring mga tao ang nag-antabay sa kanya para marinig at mapanood that night ng Miyerkoles Santo.

Maga man ang paa, tila nakalimutan ‘yun ni Jojo nang umawit na sa entablado. Na ikinatuwa ng mga guest ng birthday celebrant. Muling narinig ang signature song. At nang kantahin ang Timmy Cruzsong, ipinaliwanag din ni Jojo na pinag-uusapan pa kung may dapat na baguhin sa kanta lalo na at babae ang umawit nito para sa kanyang crush.

Sabi naman ng mga miron, palitan man o hindi ang titulo nito at ang konteksto, ang nilalaman ng puso ng umaawit ang umaantig sa bawat tengang dapuan nito.

Hindi makapaniwala si Jojo sa ‘di matingkalang biyayang inaabot niya ngayon sa kanyang mga awitin.

Nakaalis na si Jojo sa MB nang maiparating namin sa kanya ang balitang pumanaw na ang  makakasama pa sana niya sa  video ng isang kanta, si Ate Guy, ang Superstar at National Artist.

Labis ang kalungkutan ni Jojo lalo pa at kasunod itong pumanaw ng isa pa niyang idolo sa industriya na si Ms Pilita Corrales. Nakasama niya ang dalawa sa concert niya years ago.

Ipinagdarasal ni Jojo na lubusan siyang magabayan ng kanyang nga idolo sa paglisan ng mga ito sa mundo.

Samantala, bukas na ang foreign shores para sa pagdalaw ni Jojo sa kanyang meet and greet sa Hongkong, Macau, at Singapore.

Burado muna ang mga dumaang problema na may kinalaman sa career ni Jojo. Basta tuloy lang siya sa paggawa ng mas marami pang kantang alam niyang kagigiliwan ng balana. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …