Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Norzagaray Bulacan police PNP

Inabangan, inundayan ng saksak
Lalaki patay sa Norzagaray, Bulacan

BAGO nakatakas, nagawang arestohin ng mga awtoridad ang isang lalaki na pumatay sa kaniyang kaalitan sa bayan ng Norzagaray, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 20 Abril.

Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng Norzagaray MPS ang suspek sa pamamaslang na kinilalang si alyas Gary dakong 7:00 ng gabi sa Brgy. Poblacion, sa nabanggit na bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na naglalakad ang biktima at bibili ng pagkain sa palengke nang biglang sumalakay ang suspek na matagal na palang nag-aabang sa kalsada saka paulit-ulit na pinagsasaksak ang biktima gamit ang kutsilyo.

Agad namatay ang biktima sa rami ng tama ng saksak sa kaniyang katawan.

Samantala, matapos isagawa ang krimen ay nagtangkang tumakas ang suspek ngunit nagawang arestohin ng mga nagpapatrolyang pulis ng Norzagaray MPS.

Nabatid na dati nang may alitan ang dalawa na hindi nagawang ayusin kaya nagawang patayin ng suspek ang biktima. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …