Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
9th Inding Indie Coco Martin

9th Inding-Indie Film Festival matagumpay, dinagsa sa Gateway Mall

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

DINAGSA ng mga tagasuporta, manonood, at personalidad mula sa industriya ng pelikula ang Gateway Mall 1 Cinema 4 noong Abril 7, 2025 para sa grand premiere ng 9th Inding-Indie Film Festival.

Tatlong maikling pelikula, ang ‘Eroplanong Papel’, ‘Pluma’, at ‘Pulang Laso’ ang tampok sa gabi ng pagbubukas nito, na tumanggap ng masigabong palakpakan mula sa punong-punong SRO crowd at enthusiastic na audience.

Ipinamalas ng mga maikling pelikulang ito ang malikhaing husay ng mga Filipinong indie filmmakers, at umani ito ng papuri mula sa mga manonood.

Mula sa tahimik na paghahangad ng ikalawang pagkakataon sa Eroplanong Papel, sa paalala ng tamis ng kabataan sa Pulang Laso, hanggang sa damdaming sumasalamin sa bawat salita ng Pluma, ang tatlong pelikula ay nag-iwan ng malalim na marka sa mga manonood..

Ang Pluma ay hinggil sa magkuya na parehong may pinagdadaanan sa buhay. Si Allan na nakakatandang kapatid ay hindi nakakalakad at ang bunsong si Gino ay may Bipolar Disorder. Alamin kung paano nila tatahakin ang mundo sa kabila ng kanilang mga pinagdaraanan.

Ang Pluma ay isinulat ni Nathaniel Perez, sa konsultasyon ni Ron Sapinoso, at sa direksiyon ni Andrei Bagos.

Nagbigay naman ng payo si Jiro Manio sa mga kabataan na naliligaw ng landas. Si Jiro ay ilang beses nagpa-rehab matapos malulong sa mga bisyo. Ngayon, balik-acting na siya para sa isang short film na may pamagat na Eroplanong Papel.

Tila naging selebrasyon ng sining at kasaysayan ang nasabing okasyon, na umalingawngaw sa bawat eksena ng pelikula.

Kasabay ng premiere night, isinagawa rin ang Gawad Parangal sa Puso ng Sining, na kumilala sa mga natatanging personalidad sa larangan ng sining at midya.

Pinarangalan si Coco Martin bilang “Pinaka Paboritong Artista ng Masang Pilipino”, habang ang sikat na palabas na Batang Quiapo ay doble ang parangal bilang “Excellence Award – TV Show” at “People’s Choice Award”. Tumanggap din ng pagkilala ang iba’t ibang personalidad at organisasyon kabilang na si Jiro Manio bilang “Natatanging Aktor ng Bansa”, MJ Felipe bilang “Best TV Media Personality”, at MJ Marfori bilang “Excellence Award – News Anchor”.

Pinarangalan din dito si Victor Silayan bilang “Alamat ng Puting Tabing”, ang Bida Dishwashing Liquid bilang “Outstanding Filipino Homecare Brand,” at ang Primelens bilang “Best Co-Producer”.

Patunay ang gabing iyon na patuloy ang paglago at pagyakap ng masa sa pelikulang Filipino—mainstream man o indie.

Sa tagumpay ng premiere night ng 9th Inding-Indie Film Festival, muling napatunayan na ang sining ng pelikula ay nananatiling buhay, makapangyarihan, at may pusong maka-Filipino.

Si Direk Ryan Manuel Favis na isang Executive Producer dito ang isa sa nasa likod ng Inding-Indie filmfest. Ipinahayag niya na kung naging matagumpay ang 9th Inding-Indie Film Festival, mas paghahandaan nila at palalakihin pa ang event na ito next year, para sa 10th edition nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …