Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPAT
ni Mat Vicencio

TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni Fernando Poe Jr.

Mula sa kamay ng kanyang inang si Senator Grace Poe, ipagpapatuloy ni Brian sa pamamagitan ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang labang naiwan ng kanyang lolo na si Da King.

Halos ilang linggo na lamang ang natitira at huhusgahan na ang mga nakasalang na partylists, at ang FPJ Panday Bayanihan ang isa sa mga inaasahang magtatagumpay sa halalang darating sa Mayo 12.

Sa gabay ni Grace, hindi mabibigo at siguradong magtatagumpay si Brian. Sa kakaharaping laban, magiging lakas at kalasag ni Brian ang libo-libong supporters ni Da King.

Patunay ang mga survey result ng Social Weather Station, Pulse Asia, Octa at ibang survey firms na kabilang ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa mga nangunguna at tinitiyak na makalulusot sa halalan.

At sa inaasahang tagumpay ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, kinakailangang higit na pagbutihin ni Brian ang kanyang gagawing serbisyo sa mga nangangailangan lalo ang mahihirap na kababayan.

Pahayag ni Grace…“Sabi ko sa anak ko, gaya ng sinabi ng nanay ko sa ‘kin, pagbutihin mo at ‘wag mo kaming papahiyain!”

At pinatunayan naman ito ni Brian. Sa pamamagitan ng FPJ Panday Bayanihan, ginawa nito ang pagsisilbi nang tapat sa mga biktima ng kalamidad kasabay ng pamamahagi ng relief goods, gamot at iba pang tulong. 

Sabi pa ni Brian… “Para sa amin, ginagawa natin ang lahat nang ito para ituloy ang legasiya ni FPJ. Alam naman ng tao na si FPJ ay tumutulong sa mga tao na nangangailangan ng tulong.  Kaya bumuo tayo ng partylist para ituloy natin ‘yan.”

Kaya nga, tunay na nasa kamay ngayon ni Brian ang ‘sulo’ nang inumpisahang laban ni Da King, at kailangan niya itong tuparin, at higit sa lahat ipaglaban ang mahihirap at mga inaapi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …