Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Queenie de Mesa

Queenie de Mesa, palaban sa pagpapa-sexy sa pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BUO ang loob at palaban sa kanyang pinasok na career sa mundo ng showbiz ang newcomer na si Queenie de Mesa. Ang batikang si Jojo Veloso ang manager niya.

Kahit baguhang artista pa lang ay seryoso siya sa pagpasok sa showbiz.

Aniya, “Yes, game po akong magpa-sexy sa movies, kasi pinasok ko na ito, kaya dapat lang na ready po ako.”

Hanggang saan ang kanyang limitations sa pagpapa-sexy?

“Okay naman po sa akin na masilip ang aking boobs, pati na ang butt ko. Basta kailangan po talaga sa movies, huwag lang po yung frontal, hahahaha. Kasi dapat po ingatan ko ito e, hahahaha!” Nakatawang bulalas ni Queenie.

Sa mga ate niyang sexy actress sa kuwadra ni Jojo Veloso, napanood daw niya ang dating pelikula ni Azi Acosta na ‘Pamasahe’. Ano ang masasabi niya rito?

“Maganda po, magaling ang acting niya. Iyong pagpapasexy niya at pakikipaglove-scene niya sa movie, kaya ko rin naman po iyon.

“Kaya naman po, kayang-kaya ko iyan, kakayanin po,” nakangiting wika pa niya.

Pahabol pa ni Queenie, “Ang ginawa ko po bilang paghananda, nanonood na ako ng mga pelikula ng VMX (dating Vivamax). Para mas matuto ako sa pag-project at kung ano-ano pa. Kasi sa tingin ko, dapat bilang aktres, lalo na kapag nagpapa-sexy, dapat magaling po sa lahat. “

“Kasi ako po, seryoso talaga ako sa pinasok kong career sa showbiz. Hindi po ito parang trip-trip lang, trabaho po ito talaga para sa akin.”

Una siyang napanood sa pelikulang ‘Habal’ ni Direk Bobby Bonifacio Jr.. Tampok dito sina JD Aguas, John Mark Marcia, Athena Red, at Karen Lopez.

Nagkuwento si Queenie sa papel na ginampanan dito.

“Pokpok po ang role na ginampanan ko sa first movie ko na Habal. Bale,  ipinangregalo ako sa lalaki.”

Kinabahan daw siya nang unang sumabak sa eksena na kailangan niyang magpa-sexy.

“Challenge po sa akin ang ginawa ko roon bilang prosti… aminado naman po akong kinabahan ako roon sa mga eksena ko, pero kinaya ko naman po,” pakli ni Queenie

Launching movie ni Queenie ang pelikulang ‘Ang pamumukadkad ni Mirasol’.  Co-stars niya rito sina Ghion Espinosa, Ralph Engle & Sheena Cole, mula sa pamamahala ni Direk Ambo Jacinto.

Ano sa palagay niya ang kaabang-abang sa new movie niya at masisilip, lalo na ng mga barakong viewers?  

Esplika ni Queenie, “Sa tingin ko po ang masisilip o makikita sa akin ng mga boys pagdating po sa movie ko ay yung mga ginagawa ko pong mga love scenes at bed scenes, na siguradong matutuwa at mag-eenjoy po sila.

“Plus, sa tingin ko naman po kahit baguhan ako ay nakaka-arte na rin po ako, hehehehe.”

Happy ba siya sa nangyayari sa kanyang career ngayon?

“Opo. Sobrang saya ko. Masaya po ako, kasi po nabigyan ako nang big break sa industry na pinasok ko po at pinangrap ko…At mas lalong naging masaya po ako sa landas na tinahak ko dahil nakakatulong na ako sa pamilya ko ngayon,” masayang pahayag pa ni Queenie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …