Sunday , April 20 2025
Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pagkakamit ng mga layunin ng tanggapan, aktibong isinusulong ng Pinuno ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) na si Abgd. Julius Victor Degala ang internal recognition program na ipinagdiriwang ang kanilang pagganap at dedikasyon sa serbisyo publiko.

“We are proud to recognize the exemplary achievements of our colleagues at BENRO whose dedication and teamwork continue to uphold the highest standards in service to the Province of Bulacan,” ani Degala.

Ilang kawani ng BENRO ang tumanggap ng sertipiko at plake ng komendasyon mula sa kanilang pinuno noong Lunes dahil sa kanilang natatanging tagumpay sa pagpapatupad ng batas na pangkapaligiran at paghahatid ng serbisyo.

Tumanggap sina Nierwin Custodio at Nathaniel Gonzales mula sa Legal and Investigation Section ng plake ng komendasyon para sa kanilang mahalagang suporta sa matagumpay na pagsasagawa ng operasyon laban sa illegal quarrying sa Barangay Bangkal, Norzagaray noong Pebrero 25, 2025.

Nagresulta ang kanilang imbestigasyon sa pagkatukoy at pagkahuli sa mga indibidwal na lumabag sa Republic Act No. 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995 at Provincial Ordinance No. C-005 o ang 2011 Revised Environmental Code of the Province of Bulacan.

Samantala, binigyan ang San Miguel/San Ildefonso Monitoring Point kasama ang kanilang team leader na si Robin Cruz at mga miyembro na sina Jomar Vilela, Federick Velano, Eldred Bagaipo, at John Kenneth Fayton, ng sertipiko ng komendasyon para sa kanilang kasipagan at pagkakaisa sa ginanap na monitoring operations noong Pebrero 18 at 19, 2025 na pumigil sa hindi awtorisadong pagbibiyahe ng quarry materials na walang delivery receipt, na sumisiguro sa pagsunod sa environmental transport regulations.

Bukod pa rito, iginawad ang Best Employee for March kina Kim Ventoso para sa Junior Category at Ronn Ryan Marcelino sa Senior Category para sa kanilang ipinamalas na natatanging pagganap at dedikasyon sa kanilang trabaho.

Ang internal recognition program ay bahagi ng patuloy na pangako ng BENRO na pangangalaga sa pangalagaan ang kultura ng kahusayan at pagpapahalaga sa loob ng tanggapan, na hihimok sa mga empleyado na tupdin ang kanilang mandato na protektahan ang natural na likas na yaman ng Bulacan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …