Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeffrey Santos

Jeffrey may layang magpaka-brutal sa Beyond The Call of Duty

RATED R
ni Rommel Gonzales

KONTRABIDA si Jeffrey Santos sa isinu-shoot ngayong pelikula na Beyond The Call Of Duty ng LCS Productions at PinoyFlix Films and Entertainment Production.

“Sa istorya, tao ko si Bella,” umpisang kuwento sa amin ni Jeffrey.

So itong si Martin [na PNP ang papel], napatay niya ‘yung kapatid ko during a bank robbery.

“Ako naman sa umpisa pa lang ng pelikula, nakakulong na ako. Ipakikita nila ‘yung transport ko, airplane to kulong.”

Ang mga bumubuo ng cast ng pelikula, bukod kay Jeffrey, ay sina Sparkle actor Martin del Rosario, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson.

Maraming beses nang nakatrabaho ni Jeffrey ang direktor ng pelikula na si direk Jose “JR” Olinares (na supervising producer din ng pelikula) kaya naging magkaibigan na ang dalawa.

At binigyan ni direk JR si Jeffrey ng karapatan na magbigay ng input sa kanyang role sa pelikula.

Binigyan naman niya ako ng enough leeway tinanong ko lang, ‘Ano bang hinahabol natin sa MTRCB?’

“Kasi para malaman ko kung hanggang saan ka-brutal ang puwede kong igalaw. Sabi niya naghahabol daw siya ng PG-13.

“Sabi ko ‘pag PG-13 bawal ka magmura, bawal ang dugo, alam ko I mean ‘yung splatter-splatter okay lang pero ‘yung brutal na pointblank bawal ‘yun.

“‘Yung galos-galos, nadapa, nasugatan okay lang ‘yun, okay lang, pero kapag talagang tututukan bawal iyan kung PG13 ang hinahabol mo.

“Ngayon kung gusto mong mag-16 medyo may laban tayo.

“Puwede nating gawing brutal ng kaunti pero accepted at may audience ka pa rin,” saad pa ni Jeffrey.

Ang Beyond The Call Of Duty ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero rito sa ating bansa.

Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy Ray Oyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer.

Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …