Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrew E Mylene Jassley Fatima

Debut ng unica hija ni Andrew E handang-handa na

HARD TALK
ni Pilar Mateo

18. DEBUT.  Transformation. Changes. Choices.

Daddy’s Girl. The only girl sa tatlong magkakapatid. Boy. Girl. Boy.

Thankful ang parents niya na she has grown into a very masipag, matalino, at responsableng nilalang. Walang sakit ng ulo na ibinigay sa mapagpala rin namang mga palad nina Andrew E at Mylene.

Dalaga na nga si Jassley Fatima.

Nag-aaral siya sa International School. International Baccalaureate. Again?  Na ipagpapatuloy niya sa Amerika very soon. Mas pinili niya ‘yun kaysa Europa.

(The International Baccalaureate (IB) is a globally recognized, non-profit educational foundation offering four challenging, high- quality, educational programs for students aged 3-19 , fostering international -mindedness  and preparing students for higher education and beyond).

Like any other typical teenager, she’s into fashion. Shoes, bags, makeup. Anything her heart desires, hindi siya nagdadalawang salita sa mga magulang lalo na sa daddy niya. And Popmart toys.

Jassley is fond of dancing just like their bunso. Na si Ichiro. Ang panganay na si Fordy naman sa musika. At sa school niya laging bida si Jassley sa mga sinasalihan niyang plays.

Very excited ang buong pamilya sa pag-welcome at pagprisinta kay Jassley sa lipunan sa isang very formal magical night on April 26, 2025 sa Conrad Hotel.

Ang Nice Print ang nag-ayos ng pictorial at production ng magaganap on that special night. Pero ang mommy Mylene, sobrang excited at nag-snap ng isa sa limang gowns  na isusuot ng kanyang dalaga.

As advanced birthday gift for her and her brothers she shares the same birthday month. April 14 si Fordy. April 18 si Jassley. April 16 naman si Ichiro.

Kaya sa bayan ng cherry blossoms (Japan) sila magdiriwang ng  kaarawan nilang magkakapatid at mag-o-observe rin ng Holy Week.

What a way to spend their special birthdays!

At sa gabi ng debut ni Jassley, aasahan ang ‘sangkaterba pang sorpresa mula sa kanyang pamilya. Malamang na isang orihinal na kanta mula kay AE. Mas kagulat-gulat na Popmart items pa from mommy Mylene. O ‘di kaya eh special production number from the bros.

Basta si Grandma Mila, the Queen of Boracay, siguradong may very special participation.

Abangan! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …