Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michelle Dee PBB

Michelle lumabas na ng Bahay ni Kuya; Housemates humarap sa ikalawang nominasyon

RATED R
ni Rommel Gonzales

BUMUHOS ang iba’t ibang emosyon sa nagdaang weekend sa loob ng Bahay ni Kuya. Una nang lumabas ng bahay ang celebrity houseguest na si Michelle Dee

Lubos na nagpasalamat si Michelle sa mga natutunan at mga nabuong pagkakaibigan sa housemates. At nakalulungkot din na hindi napagtagumpayan ng housemates ang kanilang weekly task.

Bago naman humarap sa ikalawang nominasyon, ang mga housemate ay nagkaroon ng unang Duo Battle na ang mananalong duo ay magkakaroon ng immunity. Bilang bagong housemates, hindi kasali ang duo nila Emilio Daez and Vince Maristela. Nanalo naman ang MiBi duo nina Mika Salamanca at Bianca De Vera kung kaya’t ligtas din sila. 

Naibahagi ni Mika sa confession room kung bakit mahalaga na manalo sa battle, “Kaming dalawa ni Bianca ‘yung pinaka-last sa botohan ng hindi pagpapakatotoo. Sobrang importante ng immunity para sa peace of mind namin.” 

Ito naman ang mga nominated duo ngayong linggo: MicVerMichael Sager at River JosephChaKira–Charlie Fleming at Kira Balinger, at ang mga task leader this week na sina RaZ–Ralph De Leon at AZ Martinez

Sino-sino nga kaya sa kanila ang ililigtas ng taumbayan sa darating na eviction night? Abangan sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab gabi-gabi sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …