Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jerald Napoles Kim Molina Un-Ex You

Jerald nanghinayang ‘di naka-gradweyt

RATED R
ni Rommel Gonzales

KOMEDYANTE man ay may pinagdaanan ring dagok sa buhay, tulad ni Jerald Napoles.

Siguro… unang-una marami, at hanggang kasalukuyan mayroon tayong mga, hindi naman dagok, pero challenges sa buhay.

“But isa sa biglang nagpa-igting ng aking passion sa ginagawa ko is when hindi po ako … gustong-gusto ko po kasing makatapos ng pag-aaral.

“Hindi ako nakatapos ng pag-aaral, humingi ako ng tulong sa iilang taong pinaka-importante sa buhay ko para lang makapag-aral.

“Tapos mayroong… itong mga taong ito, hindi ko naman po sinisisi sila dahil hindi ako nakapagtapos, siguro may pinagdaraanan din.

“At mayroon din akong mga dahilan na nadinig na hindi ko tinanggap during that time.

“And parang medyo nagkaroon ako ng self-pity because of the idea na noong panahon na ‘yun… ito personal experience ko, hindi ko na ikukompara sa lahat.

“Sabi ko hindi lahat ng nasa edad ko gustong makatapos ng pag-aaral.

“‘Yung iba gusto na lang magpahinga at magtrabaho na. ‘Okay naman ‘yung grades ko, bakit hindi ako mabigyan ng pagkakataong makapagtapos?

“Hanggang ngayon kasi iyon ang hang-up ko eh, hindi ako naka-graduate, eh.

“But because of that sabi ko may darating at maghahanap ako ng isang another journey sa buhay ko kung saan mas mari-reach ko kung ano goal ko at kung ano ang mga pangarap ko sa buhay.

“Noong napasok po ako sa teatro, isinama ako ni Arnold Reyes.”

Si Arnold Reyes ay isang theater/movie/television actor. 

Sabi ni Arnold Reyes, ‘Je gusto mo bang mag-audition sa Tanghalang Pilipino at sa Dulaang UP?

“Sabi ko, ‘Sige Arnold, sasama ako!’ ‘O, ganito mag- audition, aaralin mo ‘yung kanta kasi musical ‘yung mga pag-o-audition-an natin. Okay ka ba?’ ‘O, sige!’

“Mula noong napasok ako, noong kinagat ko ‘yung pagkakataon na mag-audition, sabi ko, para rito ako.

“Then when I claimed and acknowledged that I’m made for this, hence, I became the Jerald Napoles na kaharap niyo ngayon.” 

Palabas sa mga sinehan ang UN-Ex You simula ngayong araw, April 9, na bida si Jerald bilang si Andy at si Kim Molina bilang si Zuri.

Nasa cast din sina Candy Pangilinan (bilang Mameng), Vladia Disuanco (Beybeh), Kyosu Guinto(Bry), Bob Jbeili (Greg), at Marnie Lapus, sa direksiyon ni RC Delos Reyes, mula sa Viva Films.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …