rapist, carnapper nasakote rin
INARESTO ng pulisya ang isang lalaking lumabag sa Omnibus Election Code (OEC) gayondin ang dalawang lalaking nakatala bilang most wanted person sa lalawian ng Bulacan nitong Lunes, 7 Abril.
Sa ulat na isinumite kay P/Col. Franklin Estoro, officer-in-charge ng Bulacan PPO, dinakip ang suspek na kinilalang si alyas Boy Tattoo, 37 anyos, para sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code (OEC), dakong 12:05 ng madaling araw kamakalawa sa San Jose Heights, sa lungsod ng San Jose del Monte.
Nakatanggap ang San Jose del Monte CPS ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang lalaking nakasuot ng puting sando at abohing jogging pants na may mga tattoo sa katawan, ang walang pakundangang nagpapaputok ng baril at nagdudulot ng kaguluhan sa lugar.
Sa mabilisang pag-aksiyon ng mga awtoridad, nakompiska sa suspek ang nasabing baril na naging dahilan ng kaniyang pagkakaaresto.
Nakompiska mula sa suspek ang isang kalibre 9mm baril, isang fired cartridge case, at 10 bala ng 9mm.
Inihahanda ang kasong paglabag sa RA 10591 kaugnay ng Omnibus Election Code (Gun Ban) para sa pagsasampa sa korte laban sa uspek.
Samantala, nadakip sa operation na isinagawa ng Hagonoy MPS ang isang lalaking nakatalang No. 10 most wanted person (MWP) – municipal Level na kinilalang isang alyas Guiller, para sa kasong rape.
Naganap ang operasyon dakong 1:50 ng hapon sa Brgy. Sta Cruz, sa bayan ng Hagonoy na pinasilbihan ng warrant of arrest na inilabas ng Presiding Judge ng Malolos City RTC Branch 4.
Dakong 5:45 ng hapon nang isinilbi sa BJMP Manila City Jail ng Marilao MPS tracker team ang warrant of arrest sa suspek na kinilalang si “Zoilo,” 32 anyos, at residente sa Brgy. Patubig, Marilao Bulacan na nakatala bilang No. 1 most wanted person (municipal level).
Inilabas ang warrant para sa krimeng Carnapping ng Meycauayan City RTC Branch 121. (MICKA BAUTISTA)