Thursday , April 17 2025
Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). Bakit!? Una’y ibinaba ng Palasyo matapos na aprobahan ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr., ang promosyon ni Acting Director Brig. Gen. Melecio M. Buslig, Jr. Mula Colonel ay Brig. General na – First Star General. Congratulations ulit Sir BGen. Buslig, Jr.

Bagamat Marso 30, 2025 ng gabi inianunsiyo ng Palasyo ang  promosyon ni Buslig Jr., Abril 3 na rin isinagawa ang “Arrival Honors” para sa kanya ng QCPD command sa General Headquarters ng pulisya  sa Camp Gen. Tomas Karingal, Sikatuna Village, QC.

Ganap nang Heneral si Buslig Jr., kaya hindi na siya Acting Director kung hindi ganap nang Director ng QCPD. You deserved it Kabayan. Mabuhay ang mga Cagayano!

Tulad ng naunang nabanggit, abot-tenga ang ngiti ng mga taga-QCPD ngayong Abril dahil nga matapos ang promosyon para kay Heneral Buslig Jr., hayun, sa ilalim ng kanyang hindi matatawarang pamumuno ay muling kinilala ang kagalingan ng QCPD sa trabaho.

Kinilala sa kagalingan? Opo, pero  hindi na ‘yan bago sa QCPD dahil noon pa man ay lagi nang pinararangalan ang QCPD sa kanilang kagalingan at iyan naman ay nagawang mapanatili sa pamumuno ni Buslig Jr.

E ano nga bang pagkilala ang natanggap ngayon ng QCPD?

Pinarangalan lang naman ang QCPD bilang First Place sa regional level – Unit Performance Evaluation Rating (UPER) para sa buwan ng Pebrero (2025). Ayos ha! Wala talagang nakatatalo sa QCPD.

Tinalo ng QCPD ang apat na distrito ng pulisya sa Metro Manila – ang Western Police District, Northern Police District, Eastern Police District, at Southern Police District, pawang nasa ilalim ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).

Para sa buwan ng Pebrero, nakakuha ng outstanding rating ang pulisya ng 80.313% – patunay na epektibo ang hakbangin ng pulisya para sa crime prevention, law enforcement, community engagement, at iba pa.

Ang panibagong tagumpay (dagdag sa mga parangal na nakuha na ng QCPD) na nasungkit ay masasabing isa na namang milestone sa walang humpay na kampanya ng distrito laban sa kriminalidad (at iba pa) para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng Lungsod para sa milyong QCitizens.

Ikinatuwa ni BGen. Buslig, Jr., ang parangal at pinasalamatan ang mga opisyal hanggang sa pinakamababang ranggo o ang bumubuo ng QCPD sa bawat kontribusyon nila upang makamit ang nasabing parangal.

“I extend my heartfelt congratulations to all our personnel for their relentless efforts and dedication to duty. Let us continue to strive for excellence, maintain our high standards, and work together in ensuring the safety and security of Quezon City. Keep up the outstanding work,” pahayag ni BGen. Buslig Jr.

Pinasalamat din ng Heneral ang QCitizens at ang local government sa pangunguna ni QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte, sa kanilang patuloy na suporta at kooperasyon.

“Our success would not be possible without the active participation and trust of our community, as well as the strong leadership and assistance of our local government,” wika pa ni Buslig, Jr.

Muli, congratulations QCPD!

About Almar Danguilan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …