Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michelle Dee

Michelle Dee nagsilbing inspirasyon sa Bahay ni Kuya

RATED R
ni Rommel Gonzales

INSPIRASYON ang dala ni Kapuso Beauty Queen Actress Michelle Dee sa mga housemate matapos pumasok bilang house guest sa Bahay ni Kuya. 

Isa sa mga naging highlight ng kanyang pagpasok ay ang pagsisimula ng task na konektado sa pagpapakatotoo ng housemates. Dito ay nagkaroon ng pagkakataon si Klarisse De Guzman na ilahad na siya ay parte ng LGBTQ community. 

“Di na ako takot, wala na akong kinatatakutan. Ang saya lang po sa pakiramdam magpakatotoo,” ani Klarisse.

Naibahagi naman ni Michelle kay Kuya kung gaano siya naging proud sa ginawang pag-open up ni Klarisse. 

Ani Michelle, “Napagdaanan ko rin po ‘yon, ang hirap din magpakatotoo ng ganoon dahil sa industriya kung nasaan tayo.”

Samantala, pumasok na rin ang dalawa pang housemates na sina Emilio Daez at Vince Maristela

Tutok na gabi-gabi sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 10:00 p.m. Mon-Fri at 6:15 p.m.. Sat-Sun sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …