Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga Batang Riles patuloy ang laban at tagumpay gabi-gabi

RATED R
ni Rommel Gonzales

PAINIT nang painit ang pagtanggap sa Mga Batang Riles matapos makakuha ng 9.3 ratings vs 9.0 ng katapat na palabas kagabi dahil sa sunod-sunod na bakbakan laban sa katiwalian. 

Matutuklasan na nina Jackson (Paolo Contis) at Matos (Bruce Roeland) na nasa Sitio Liwanag ang kanilang nawawalang droga, kaya naman agad inutusan ng huli ang Asero boys na bawiin ito. Habang patuloy naman ang paghahanap nila kay Honey (Robb Guinto) na patuloy namang pinoprotektahan nina Dagul (Anton Vinzon), Sig (Raheel Bhyria), at Kulot (Kokoy de Santos) sa kinakaharap nitong problema matapos mapadpad sa riles. 

Sey ng isang netizen “Bagay sila ni Honey uyyy chemistry is real talaga lets see ano mangyayari sa susunod na episode ngayon kasama na nila si Honey.”

Makikilala na rin ang mga bagong kabarkadagulan–ang content creators na sina Sabby and Sophia bilang Marie Twins na nagbabalik riles na makakasama sa Sitio Liwanag.

Pakatutukan ang iba pang maiinit na eksena gabi-gabi sa 8:50 p.m.. sa GMA Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …