Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid

Ruru naaksidente, litid sa alak-alakan napuruhan

MA at PA
ni Rommel Placente

ISINUGOD sa ospital  si Ruru Madrid  matapos magkaroon ng injury habang nagte-taping ng seryeng pinagbibidahan, ang Lolong.

Ayon sa aktor, bumigay ang isa niyang hita nang gawin niya ang isa sa mga maaksiyong eksena.

Ibinahagi ng Kapuso star sa kanyang Instagram account ang nangyari kalakip ang mga litrato na kuha habang siya’y nasa ospital.

Ayon sa doktor na tumingin sa kanya sa ospital, kompirmadong napuruhan ang kanyang hamstring o ang litid sa alak-alakan.

Sumailalim na si Ruru sa MRI at hinihintay pa ang resulta. 

Hoping and praying na hindi ito Grade 3 strain, which means a full tear that could take weeks or even months to recover,” sabi ni Ruru.

Nalulungkot ang aktor dahil kinailangan munang itigil ang kanilang taping dahil sa nangyari sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …