Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michelle Dee Reyna Melanie Marquez Winwyn Marquez

Michelle Dee ini-release music video ng latest single niyang Reyna

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA pagtatapos ng International Women’s Month, inilabas ni Miss Universe Philippines 2023 at Sparkle artist Michelle Dee ang official music video ng kanyang debut single na Reyna noong March 29 sa kanyang YouTube channel. Ang kantang ito ay tungkol sa empowerment, confidence, at self-love, na agad tinangkilik ng kanyang fans.

Hindi lang basta performance ang ipinakita ni Michelle sa video. Makikita rin ang kanyang inang si Melanie Marquez (Miss International 1979), pinsang si Winwyn Marquez (Miss Universe Philippines Muntinlupa 2025) na nagbigay ng special na highlight sa video. 

Sa huling bahagi, naglakad sila suot ang kanilang bold red outfits na nagbigay ng lakas at ganda sa music video.

Ayon kay Michelle, inanyayahan niya ang kanyang ina para makiisa sa shoot, at ibinahagi ni Melanie na proud siya sa kanyang anak. Masaya naman si Winwyn sa karanasang iyon at inalala ito bilang isang espesyal na sandali.

Ang Reyna ay ang unang collaboration ng Star Music at GMA Music.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …