Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benhur Abalos Jr

Abalos bitbit ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas

OPISYAL nang inendoso ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas (LNB) ang kandidatura ni dating DILG Secretary Atty. Benhur Abalos, Jr. para sa pagkasenador.

Sa isinagawang national convention ng LNB nitong Martes sa World Trade Center sa Lungsod ng Pasay, binigyang-diin ng LNB national president na si Jessica Gallegos Dy ang mahalagang papel na ginampanan ni Abalos noong siya ay nanungkulan bilang Kalihim ng DILG, lalo na ang kanyang pagkilala sa barangay bilang pinakamaliit ngunit napakahalagang yunit ng lokal na pamahalaan.

“Noong kayo po ay Secretary ng Department of the Interior and Local Government, binigyan n’yo po ng importansiya at halaga ang barangay. Ni-recognize n’yo ang mga sakripisyo at mga kontribusyon ng ating barangay officials,” ani Dy.

“Ngayon na kailangan ninyo po kami. Andito po ang Liga ng mga Barangay para sumuporta sa inyo. Andito lang po kami sa likod ninyo,” dagdag niya.

Nagpasalamat si Abalos sa mainit na suporta ng Liga. Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga barangay leader sa buong bansa sa kanilang patuloy at tapat na paglilingkod.

“Maraming maraming salamat sa lahat ng barangay captain ng Filipinas sa pagsisilbi ninyo sa ating bayan,” ani Abalos.

Kung palaring mahalal, nangako si Abalos na magiging matatag siyang tagapagsulong ng kapakanan ng mga lokal na pamahalaan upang higit na mapaigting ang pamumuno sa antas ng barangay.

“Pabayaan n’yong maging boses ako ng mga lokal na pamahalaan. I-empower ko kayo dahil ang susi sa ating bansa—ang magdadala sa Filipinas ay ang barangay system natin,” ani Abalos.

Nangako si Abalos na isusulong niya ang panukalang batas na naglalayong alisin ang VAT sa koryente at iba pang buwis sa krudo na ginagamit sa power generation upang mapababa ang presyo ng elektrisidaf at makahikayat ng mas maraming mamumuhunan.

Bilang dating alkalde ng Mandaluyong, nais niyang ipatupad ang komprehensibong programa para sa mga magsasaka, kabilang ang abot-kayang pautang, pagbawas ng buwis sa lupa, pinalawak na crop insurance, at tulong sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Sinusuportahan niya ang agarang pagpasa sa National Land Use Act upang maprotektahan ang mga lupang pansakahan at isulong ang balanseng pag-unlad ng bansa. Nais niyang amyendahan ang Rice Tariffication Law upang bigyang suporta ang mga lokal na magsasaka at palakasin ang kapangyarihan ng National Food Authority (NFA).

Kabilang sa kanyang adbokasiya ang karapatan ng mga manggagawa sa pamahalaan, partikular ang pagbibigay ng gratuity pay para sa mga job order at contract of service workers na matagal nang nagseserbisyo ngunit walang benepisyo at katiyakan sa trabaho.

Ayon kay Abalos, mananatili siyang bukas sa pakikipag-ugnayan sa mga lider sa lokal na antas.

“Ipinapangako ko sa inyo—makikinig ako, at sabay-sabay nating ipatutupad ang mga programa dahil ang pagkakaisa ang susi sa pag-unlad ng ating bansa,” ani Abalos.

“Pabayaan n’yo na ako tumakbo para ang batas na dapat gawin ay magawa ko. At ang alam kong batas na hindi na-implement nang maayos ay susuriin ko sa pamamagitan ng oversight power ng Senado,” dagdag niya. “Panahon na para umangat ang ating bansa. At ‘yung panahon na ‘yun ay ngayon.”

Sa huli, nanawagan si Abalos sa mga opisyal ng barangay na suriing mabuti ang mga kandidatong iboboto sa darating na eleksiyon.

“Ilang linggo na lang mag-eeleksiyon na. Suriin n’yong maigi ang magtatahi ng polisiya sa ating bansa. Sayang ang boto kung hindi ang mga tama ang maiuupo natin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …