Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cecille Bravo Pete Bravo Philippine Faces of Success

Businesswoman, Philanthropist Cecille Bravo inspirasyon pagkilalang iginawad ng Philippine Faces of Success

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang taunang pagbibigay parangal ng Best Magazine na ngayon ay nasa ikaanim na taon na, ang Philippine Faces of Success na ginanap sa Teatrino Promenade Greenhills, San Juan, kamakailan.

Dalawa sa binigyang parangal ang celebrity businesswoman & philanthropist Ms. Cecille Bravo ng Lifetime Achievement Award (Philanthropist) at ang asawang si Mr. Pedro Pete Bravo ng Lifetime Achievement Award (Seasoned Businessman).

Ayon kay Ms Cecille, I’m so elated and I’m so grateful and thankful, and this will inspire me to do more sharing and giving . 

“Kasi ayaw kong sabihin na kasi kaya tumutulong lang ‘yan kasi may kapalit. Pero tutulong tayo kahit walang kapalit, sabi nga limitless.”

Ang mga ganitong award na ibinibigay ng ni Richard Hin̈ola ay may malaking bagay.

Para po sa akin napaka-importante kasi ito ‘yung way para makita ko kung sino pa ‘yung mga dapat tulungan.

“Nakikita ko rin ‘yung katulad ko na binibigyan ng award na, alam n’yo ba na ina-admire ko sila, iniidolo ko sila? Na ngayon ang sarap ng feeling na kasabay ko sila sa stage.

“Kasi katulad ko nagawa rin nila na gawin na maging inspirasyon sa ibang tao, at laging bukas ang kanilang  mga palad sa pagtulong.

“Marami riyan na gumagawa ng mabuti, at ‘yung iba nga riyan silent lang at ngayon lang sila nabibigyan ng recognition at ‘di sila umiimik. Minsan ‘yun nga ‘yung puwede mong sabihin na ibang klase itong taong ito, itong taong ito ang gusto kong pamarisan.”

Sobrang nagpapasalamat si Ms Cecille kay Richard.

Parang you cannot choose the right words to express ‘yung gratitude ko kay Richard sa award na ibinigay niya sa akin. Sa aking asawa(Don Pedro) at sa aming kompanya (Intele Builders and Development Corporations.).”

Ilan sa namataan naming tumanggap din ng award sina Bo Cerudo,  USEC Joee Guilas, D Grind Dancers, Cye Soriano, Kathy Noya, Oskar Peralda, Ogee Atos, Keanna Reeves, Aleck Bovick, Romel Chika, Dino Imperial, Anthony Serrano, Rocky Autor, Buraot Queen, Dia Mate, Dino Imperial, Ronnie Liang, Myrtel Saroza, Evangeline Pascual, John Nite, Roldan Castro, Joey Austria, Allan Sancon, Fernan De Guzman, Vigie Bermundo atbp..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF 2025 Movies

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala …

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …