Monday , March 31 2025
4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar Bangkok, Hanoi nataranta

4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar
Bangkok, Hanoi nataranta

BANGKOK – Isang malakas na lindol ang naranasan ng Myanmar at ng kalapit bansang Thailand at Vietnam, ngayong araw, 28 Marso, na ikinasawi ng apat katao, habang dose-dosena ang naipit sa bumagsak na ginagawang skyscraper sa Bangkok.

               Napinsala ng 7.7-magnitude lindol ang hilagang-kanlurang lungsod ng Sagaing, na inilarawang mababaw ayon sa United States Geological Survey (USGS).

Makalipas ang isang minuto, naramdaman ang 6.4-magnitude aftershock sa nasabing lugar.

Sa Bangkok, isang gusaling kasalukuyang ginagawa, may taas na 30-storey, ang may nakulong na 43 manggagawa, ayon sa police at medics.

Isa ang namatay at dose-dosenang manggagawa ang nailigtas sa ilalim ng mga guho ng skyscraper, ayon sa National Institute of Emergency Medicine ng Thailand.

               Maraming mga ginagawang gusali para sa mga tanggapan ng pamahalaan ang nagkadurog-durog at nagmistulang guho habang ang mga bakal ay nagkabalu-baluktot sa loob lamang nang ilang segundo batay sa mga footage na ipinaskil sa social media.

“When I arrived to inspect the site, I heard people calling for help, saying ‘help me’,” anang isang Worapat Sukthai, deputy police chief ng Bang Sue district.

“We estimate that hundreds of people are injured, but we are still determining the number of casualties,” dagdag niya.

               Sa hangganan ng Myanmar, tatlong tao ang namatay nang bumagsak ang isang mosque sa Mandalay, pinakamatandang kapitolyo ng mga Maharlika, sentro at puso ng Buddhismo sa nasabing bansa.

Isang grupo ng mga mamamahayag ang nasa

National Museum sa Naypyitaw nang maganap ang lindol.

               May mga pirasong bumagsak  mula sa kisame kasunod ng pag-uga ng gusali. Mabilis na tumako palabas ang mga unipormadong staff, ang iba ay nanginginig at umiiyak, mayroong dumampot ng cellphone para kontakin ang mga mahal sa buhay.

Ang mga kalsada sa lugar ay bumaluktot at nagkasira-sira, at nagkabuhol-buhol ang trapiko sa rutang patungo sa pinakamalaking ospital ng lungsod.

               Ang ospital ay naging isang “mass casualty area” pagkatapos ng lindol, ayon sa mga opisyal.

               Isang ambulansiya ang nagpumilit makasiksik sa pagitan ng mga sasakyan habang sumisigaw ng “cars, move aside so the ambulance can get through”.

Sa isang ospital na may kapasidad na 1,000-bed, ang mga sugatan ay ginagamot sa kalsada, habang ang kanilang intravenous drips ay nakasabit sa stretchers.

Marami ang namimilipit sa sakit, ang iba ay nakahiga at pinagiginhawa ng kanilang mga kaanak.

               Sa pambihirang pagkakataon, ang ruling junta ng Myanmar ay humiling ng international humanitarian aid at nagdeklara ng state of emergency sa anim na rehiyon.

               Namataan ng mga mamamahayag ang junta chief, na si Senior General Min Aung Hlaing, na dumating sa isang ospital sa Naypyitaw kung saan ginagamot ang mga sugatan.

Bumuhos ang mga tao sa kalsada dahil sa lindol sa Myanmar at Thailand.

“I heard it, and I was sleeping in the house, I ran as far as I could in my pyjamas out of the building,” anang isang Mr. Duangjai, residente sa popular na northern Thailand tourist city ng Chiang Mai.

Makikita sa mga paskil sa social media mula sa Mandalay ang bumagsak na gusali at mga debris na nagkalat sa kalsada.

               Anang isang saksi sa Reuters: “We all ran out of the house as everything started shaking. I witnessed a five-storey building collapse in front of my eyes. Everyone in my town is out on the road and no one dares to go back inside buildings.”

Si Mr. Sai, isang 76-anyos na residente sa Chiang Mai, ay nagtatrabaho sa minimart nang biglang umuga ang shop.

“I quickly rushed out of the shop along with other customers,” aniya.

“This is the strongest tremor I’ve experienced in my life.”

               Dahil sa lindol, nagpataw ng suspensiyon sa serbisyo ng metro at light rail sa Bangkok, kasabay nang deklarasyon ng state of emergency ni Thai Prime Minister Paetongtarn Shinawatra.

               Pansamantalang ipinatigil din ng Stock Exchange of Thailand ang lahat ng trading activities para sa afternoon session.

               Sa kabila nito, sinabi ng civil aviation department na normal ang operasyon ng lahat ng flights sa Bangkok.

Sa Hanoi, daan-daang tao ang lumabas sa matataas na gusali matapos maramdaman ang pag-uga.

“The chandeliers were swinging strongly,” ani Vy Nguyen, nagtatrabaho sa isang gusali sa sentro ng Ho Chi Minh City. Aniya, parang naririnig kong nababasag ang mga bintana.

“One of my guests crawled under the table, while I remained standing. I am still feeling dizzy now,” dagdag niya.

Naramdaman din ang lindol sa Penang, Malaysia.

“I was in the middle of typing an article when I unexpectedly experienced vertigo. At first, I thought I was feeling dizzy as it only lasted a few seconds, so I continued working,” ani Buletin Mutiara writer M. Thanushalini, 38 anyos.

“It was only later, after learning about the earthquake, that I connected the dots,” aniya.

Sinabi ni Penang Economic Planning Unit assistant secretary Zeulqarnain Wahid, 33, naramdaman niyang parang nagsasayaw ang gusali.

“The Hari Raya decorative lights in our office began to sway, and I felt light-headed. Several colleagues also mentioned feeling the same, and we realised it was unusual,” dagdag niya.

               Relatibong, madalas ang lindol sa Myanmar, sa katunayan anim na malalakas na lindol na may lakas na 7 magnitude ang naranasan ng bansa mula 1930 hanggang 1956 malapit sa Sagaing fault, na tumatakbo mula hilaga hanggang timog sa sentro ng bansa, ayon sa USGS.

Isang malakas na 6.8-magnitude lindol sa matandang kapitolyo ng Bagan sa central Myanmar ang ikinamatay ng tatlo katao noong 2016. (Detalye at ulat mula sa AFP, REUTERS, BLOOMBERG)

About hataw tabloid

Check Also

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan …

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) …

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

MAYORYA ng mga botante ay iboboto si Mitch Cajayon-Uy, incumbent re-electionist ng 2nd District Representative …

Carlo Aguilar Cynthia Villar

Nagsimula na ng kampanya  
‘Bagong Las Piñas’ pangako ni Carlo Aguilar

LAS PIÑAS CITY – Opisyal nang sinimulan ni mayoral candidate Carlo Aguilar ang kanyang kampanya …

Alfred Vargas

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya …