Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Jojo goodbye Mark na, hello Rainier

HARD TALK
ni Pilar Mateo

LAGING mabilis ang ikot ng mga pangyayari sa buhay ngayon ng Revival King na si Jojo Medrez.

Ilang araw lang na pumaimbulog sa ere ang kanyang Somewhere in My Past cover na kanta ni Julie Vega, million views na ang nakuha nito.

Kaya nga mabilis ding nasundan ito ng orihinal na kanta na gawa ni Jonathan Manalo, ang “

Nandito Lang Ako.”

The irony of it all.

Dalawang nilalang ang umeksena sa  hindi na natahimik na buhay ni Jojo.

Marami siyang pinabulaanan sa ikalawang pagharap niya sa press sa mga inihaing tanong na ang inasam ay sagutin niya ang mga bagay na nag-uugnay sa kanya sa dalawang nilalang.

Ano at sino ba sa buhay niya sina Mark Herras at Rainier Castillo?

Kahit marami ng resibong kumakalat sa madalas na pagkikita sa dalawa na kasa-kasama niya sa sari-saring pagkakataon. 

Kaibigan. A used and abused term. Pero sabi nga ni Jojo mahirap niya maipaliwanag ang mga bagay na kahit  sabihin niya eh, hindi pa rin matatanggap ng mga ayaw maniwala.

Ang itinatanong ngayon ay kung sino ba ang mas matimbang sa dalawa at nagmamay-ari na sa puso niya?

Ang latest ay ang pagdalo ni Jojo sa 38th PMPC Star Awards for Television.

Sa unang presscon ni Jojo, sinorpresa siya ni Mark sa pagbibigay ng bouquet of flowers habang kumakanta. Na naging dahilan para hindi na matuloy o matapos na agad ang presscon niya.

Itong ikalawa, si Rainier naman ang sumulpot na may iniabot ding mga bulaklak sa kanya na mahigpit na yakapan ng ilang minuto ang nasaksihan ng press.

Sa Dolphy Theater ginanap ang awards ng PMPC, si Mark ang kasama ni Jojo na pumasok sa venue. Magkasama na naihatid sa upuan nila.

Pero nang lumaon ang gabi, si Rainier na ang kasama niya sa entablado na nag-abot ng  inisponsorang regalo sa ilang celebrities.

Dumating siya na si Mark ang kasama. Pero umalis ng venue na si Rainier ang katabi.

May naganap ba ng gabing ‘yon? At tuluyan nang masasagot ni Jojo kung sino bang talaga ang may karapatan para masabihan niya ng mga salitang Nandito Lang Ako.

Sa pahapyaw na mga pahayag, alam mong  kabahagi ng buhay ng dalawang nilalang ang presensiya niya sa kanila.

Magkakatalo na nga lang kung kanino siya talaga kikiling sa mga susunod na araw.

Kung may bibitaw ba o patuloy na yayakap sa kanya.

Ang ikot ng puso ay sadyang mapagbiro. Roon muna tayo. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …