Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Herlene Budol Tony Labrusca

Tony at Herlene tandem kinakikiligan

RATED R
ni Rommel Gonzales

WINNER talaga sa puso ng viewers ang mga serye sa GMA Afternoon Prime! Patunay diyan ang consistent high ratings at positive feedback ng mga Kapuso para sa mga programa ng GMA Entertainment Group.

Affected much nga tuwing hapon ang mga manonood sa heavy scenes ni Princess (Sofia Pablo), lalo na tuwing inaapi siya nina Divina (Denise Laurel) at Libby (Lauren King). 

Komento ng netizens sa GMA Network YouTube channel, “Nakakaiyak naman si Princess sana malaman na niya ang totoo. Huwag kang mawawalan ng pag-asa, Princess.” 

Abangan ang mas marami pang rebelasyon sa Prinsesa ng City Jail.

Gigil na gigil naman ang viewers kay Olive (Camille Prats) sa Mommy Dearest. Saan aabot ang kasamaan niya para ilayo ang anak na si Mookie (Shayne Sava) kay Emma (Katrina Halili)? Mawawala pa ba sa buhay ni Mookie ang taong may totoong malasakit sa kanya? 

Sey ng online viewers, “Ang intense every episode grabe! Araw-araw namin ‘tong inaabangan!”

Samantala, magkahalong kilig, iyak, at tawa ang napi-feel ng mga Kapuso sa bawat episode ng Binibining Marikit.

Ayon sa netizens, “Kinikilig ako kina Herlene Budol at Tony Labrusca! Nakaka-good vibes mga patawa ni Ikit, hindi halatang marami siyang problema. Hay sana makilala na niya ang tunay niyang ina.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

The Silent Noise

The Silent Noise Blue Carpet premiere dinumog

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DINAGSA ang star-studded blue carpet celebrity premiere ng bagong seryeng The Silent …

The Age Is Right Eat Bulaga

The Age Is Right ng Eat Bulaga click sa viewers

WALANG masyadong excitement ang bagong segment ng Eat Bulaga na The Age Is Right nang magsimula. Pero habang tumatagal …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …