Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Piolo Pascual Alessandra de Rossi

Piolo magbibilad ng katawan sa pelikula ni Alessandra

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ILANG araw ding namataan at nakasalamuha ng mga taga-Palawan (partikular sa San Vicente) ang award-winning actor na si Piolo Pascual.

Nope! Wala naman siyang ka-date na jowa.

Kasi nga trabaho ang ipinunta roon ng aktor. Sa paanyaya ng kanyang matalik (hindi katalik, ha!) na kaibigang si Alessandra de Rossi.

Nag-produce si Alex ng isang indie movie.

Si Direk Zig Dulay ang naatasan niyang mag-maniobra sa mga eksena nilang pagsasaluhan ni Piolo.

Madaling araw ko natulikap sa lobby ng aming crib si direk Zig. Galing nga siya ng Palawan. Umuwi lang pala para magpalit at kunin na ang nakahandang maleta at palipad naman siya sa Hongkong.

Kaya while waiting for his ride, tsikahan kapirot.

Eto na nga.

Nangitim silang lahat at ginalugad ang magagandang spots ng Palawan. At kasama rin ang isa pang direktor na close kay Pidyong (ang tawag niya kay Papa P) na si Dante Nico Garcia.

Excited si direk Zig.

Maliit lang daw ang role ni Papa P sa movie. As Alex’ hubby.

Ang aabangan daw  sa kanyang kakaibang role eh, walang iba kundi si Ma’am Charo Santos-Concio.

Tungkol sa usaping pamilya ang istorya. At nakagugulat ang magiging twists ng mga eksenang masusi niyang dinalirot.

Kaya masaya si Zig. Sa pag-oo ng malalaking stars sa proyekto ni Alessandra.

Marami yatang eksena sa beach. Kaya magsasawa tayo sa toned body ni Papa P. 

Wala pang title.  May kaselanan ang tema. Hindi rom-com. Hindi comedy. Lalong hindi bold. Basta! Abang-abang na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …