Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jillian handang hintayin si Michael 

RATED R
ni Rommel Gonzales

TALAGA namang sumakses sa primetime ang tambalang MicJill o Jillian Ward at Michael Sager. Mula simula hanggang sa kilig-overload na finale ng My Ilonggo Girl noong Huwebes ay tinutukan ng viewers ang pagmamahalan nina Tata (Jillian) at Francis (Michael).

Sa altar nga ang ending ng love story nina Tata at Francis matapos ang napakaraming pagsubok sa buhay ng mga bida. Nakarma rin sina Vivian (Teresa Loyzaga) at Venice (Myrtle Sarrosa) sa mga ginawa nilang kasamaan.

Pero, ano ‘to, may ibang Tata sa ending?! Ibig bang sabihin nito, may book 2 pa ang serye ni Jillian? Naku, matutuwa ang fans kung magkakatotoo ito ha.

Sa mga ‘di nakapanood o pwede rin namang gusto lang talagang ulit-ulitin ang kilig ng finale ng serye pwede pa ninyo ito mapanood kasama ng iba pang full episodes sa GMA Public Affairs at GMA Network Facebook at YouTube Channel.

Samantala, sinabi ni Jillian na willing pa rin siyang makattabaho si Michael. 

Gusto ko rin siya maka-work ulit. Kasi naging very good friends talaga kami ni Michael,” say ni Jillian sa isang panayam. 

Pero sa mga MicJill fans, chill muna kayo. Isa kasi si Michael sa mga Sparkle artists na pumasok sa bahay ni Kuya. 

Michael, pagbalik mo, tanggap ka pa rin naman namin kahit matagal kang mawawala,” pabirong sabi ni Jillian sa kanyang co-star. “I wish you all the best and enjoy lang kayo riyan,” say pa nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …