HARD TALK
ni Pilar Mateo
HINDI mahulugang-karayom ang Eton Centris Events Place nang dumating kami sa Gabi ng Parangal ng Cinepanalo 2025 na hatid ng Puregold.
Mabilis. Maayos. Naaayon sa mga dapat na masunod sa isang awards night ang buong kaganapan.
Kaaya-aya pang masilayan ang mga host nito na sina Maoui David na host mula sa TV5 at ang direktor ng Under A Piaya Moon na si Kurt Soberano. Na alam mong pinag-aralan ang sequence ng programam, tuloy-tuloy ang agos.
Well attended ang CinePanalo Film Festival Awards ni Chris Cahilig. Na kasama ang senior Marketing Manager ng Puregold na si Ivy Hayagan-Piedad sa pagbubunyi dahil pawang good reviews ang natatanggap nila sa festival na nasa ikalawang taon na.
Ang pinarangalan ay ang mga sumusunod:
Pinakapanalong Pelikula—Full-Length: Salum (TM Malones), Student Shorts: Champ Green (Clyde Cuizon Gamale); Puregold Always Panalo Film—Full-Length: Journeyman (Christian Paolo Lat & Dominic Lat) at Fleeting (Catsi Catalan), Student Shorts: Sampie, (Ira Corinne Esquerra Malit); Panalong Direktor—Full-Length: JP Habac, Olsen’s Day, Student Shorts: Vhan Marco B. Molacruz, Uwian; Panalong Aktres—Full-Length: Ruby Ruiz as Nay Pansay, Tigkiliwi, Student Shorts: Geraldine Villamil as Remy, Uwian; Panalong Aktor—Full-Length: Khalil Ramos as Olsen, Olsen’s Day at JP Larroder as Tata, Tigkiliwi, Student Shorts: Lucas Martin as Sam, SamPie at Jasper John as Juan Dela Cruz, Dela Cruz, Juan P.
Panalong Karangalan Mula sa Mga Hurado—Full-Length: Tigkiliwi (Tara Illenberger), Student Shorts: Dela Cruz, Juan P. (Sean Rafael A. Verdejo); Panalo Sa Mga Manonood—Full-Length: Co-Love (Jill Singson Urdaneta), Student Shorts: Sisenta! (Mae Malaya); Panalong Pangalawang Aktres—Full-Length: Gabby Padilla as Marlin, Tigkiliwi, Student Shorts: Uzziel Delamide as Imang, Uwian; Panalong Pangalawang Aktor—Full-Length: Jeffrey Jiruma as Pol, Tigkiliwi, Student Shorts: Sol Eugenio as Tekbong, Champ Green; Panalong Ensemble—Full-Length: Tigkiliwi (Tara Illenberger); Student Shorts: Sine-Sine (Roniño Dolim); Mowelfund Special Citation—Full-Length: Olsen’s Day, Student Shorts: Champ Green; Panalo sa International Jury—Journeyman by Christian Paolo Lat and Dominic Lat.
Pagbati sa lahat ng nagwagi. Punompuno na ang industriya ng mahuhusay na manggagawa ng sining ng pelikula. Na maibabando sa buong mundo.
Dahil ‘yata sa pagtatagumpay ni Cahilig sa nasabing festival, paggawa naman ng isang pelikulang musikal ang tema ang nasa planning stage na.
Abangann! Siguradong panalong-panalo na naman ito!