Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Geo Mhanna

Newbie actor ng Sparkle epektibo sa pagiging special child

RATED R
ni Rommel Gonzales

SA kanyang papel bilang isang special child sa My Ilonggo Girl ay nahirapan ang Sparkle male star na si Geo Mhanna.

Aniya, “Opo, it’s a hard role definitely, I’ve studied for my role for about the longest time, since I got the role, since I auditioned, I’ve studied it.”

At kahit mahirap ang role ni Geo, papuri ang natanggap niya sa mga kasamahan niya sa serye.

I feel so happy to hear that kasi they’re all so kind.

“I was so scared and the whole day I’ve been wanting to cry, so in that one scene, I just let it all out, parang si Godzilla,” at tumawa ang cute na binatilyo.

Kaya sa mga eksena sa My Ilonggo Girl na umiiyak siya ay hindi na siya umaarte dahil totoong umiiyak siya habang kinukunan ang eksena.

“Opo.”

Mahusay daw siyang umiyak.

“Why am I good in crying? Because I have a lot of experience crying.

 “In real life.”

May mga pinagdaanan daw siya sa buhay, tulad ng pagkawala ng kanyang ama na  pumanaw noong kasagsagan ng COVID-19.

Very, very hard, I cry everyday.”

Wala raw sa Pilipinas ang ama niya noong pumanaw ito.

“No, he was somewhere in the Middle East po.

“I got to see him po but when I was younger but recently not anymore.”

Naka-move on na raw si Geo pero naroon pa rin ang sakit. 

Pilipina ang ina ni Geo at Lebanese naman ang kanyang ama.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …