Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mia Pangyarihan Lito Alejandria WASSUP

WASSUP Super Club nina Mia, Jayvee, John, Mamalits dapat abangan

MATABIL
ni John Fontanilla

SA tagumpay sa negosyo ng isa sa original Sex Bomb na si Mia Pangyarihan na mayroong branches ng kanyang Japanese-Korean resto na Yoshimeatsu ay minsan din palang nakaramdam na parang katapusan na ng kanyang career nang mawala ang kanilang grupo.

Kuwento ni Mia nang makausap namin sa  opening ng bago niyang negosyo, ang Wassup Super Club sa Galicia St., Sampaloc, Manila. “After Sexbomb akala ko katapusan ko na, buti na lang binigyan ako ni Lord ng bagong blessing which is ‘yung restaurant, ‘yung Yoshimeatsu nga, from there unti-unti akong nakabangon.”

Very honest din nitong ibinahagi na high school graduate lang siya at walang alam sa negosyo at tanging pagsasayaw ang alam, pero ang pagkahilig niya sa pagkain ang nagbigay sa kanya ng idea na magkaroon ng restoran.

At mula sa isang branch ng Yoshimeatsu na kanyang sinugalan, mayroon na itong 25 branches sa buong Pilipinas.

At ngayon nga ay isa ito sa may-ari ng WASSUP Super Club, Resto Bar at Lounge na itinuturing na bagong baby kasama sina Lito Alejandria, Jayvee Sumagaysay, at John Vic De Guzman.

This time bilang tumatanda na ang lola n’yo, gusto namang ma-experience na bumata ulit, kaya gusto ko naman na something iba naman na macha-challenge ulit ako sa kakayahan ko sa paggawa ng bagong business.

“And this time siyempre my partners ako na hindi ko ini-expect na magigjng partners ko. Si Mama Lito, so alam naman natin lahat from Zirkoh and Klowns, si John Vic na isa sa Kapuso natin and si Jayvee rin na isa namang Volleyball player.

Sobrang saya kasi alam mo ‘yung lahat nagtutulong- tulong at nag e-effort.”

Marami pang plano si Mia at ang kanyang business partners para mas mapaganda pa ang WASSUP Super Club etc. At ‘yan ang aabangan sa mga susunod na araw.

At sa naganap ng ribbon cutting ng WASSUP ay nakasama nina Mia, Mama Lits, at Jayvee sina Tita Cecille Bravo (Vice-President of Intele Builders and Development Corporation), Mr Thom Dacayo ng Barangay 397 Zone 41 chairman, at si Councilor Dianne Nieto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …