Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GoTyme Bank opisyal na nakipag-partner sa Ph Football Feds
DUMALO sa inilunsad na official partnership ng GoTyme Bank at PFF, sina, mula sa kaliwa, Abet Tinio, GoTyme Bank CO-CEO; Freddy Gonzales, Director ng Senior National Football Team; Nate Clarke, Go Tyme Bank President at CEO; Albert Capellas, Philippine Football Federation Head Coach, Phil. Men’s National Football team; at mga player na sina Sandro Reyes at Kaya Hawkinson na ginanap sa The Westin Manila sa Ortigas Center, Mandaluyong City. (HENRY TALAN VARGAS)

GoTyme Bank opisyal na nakipag-partner sa Ph Football Feds

IPINAGMAMALAKI ng GoTyme Bank ang opisyal na pakikipagtulungan nito sa Philippine Football Federation (PFF), isang makasaysayang hakbang sa misyon nitong suportahan ang talento ng mga Filipino sa pandaigdigang entablado.

Sa pamamagitan ng magandang partnership na ito, ang GoTyme Bank ay magsisilbing opisyal na banko ng Philippine Football Federation, layuning itaguyod ang futbol ng Filipinas habang pinalalakas ang posisyon nito bilang isang pinagkakatiwalaan at global na institusyong pinansiyal.

Pagpapalakas sa mga atleta at pagtatayo ng legacy sa pamamagitan ng futbol

Ang GoTyme Bank, isang dinamiko at makabagong manlalaro sa larangan ng panalalapi sa Filipinas, ay nagpapakilalang kakaiba sa mga tradisyonal na banko sa pamamagitan ng pagbibigay ng world-class na karanasan sa pagbabanko.

Sa pakikipag-alyansa nito sa PFF, isang katulad na umuusbong at potensiyal na sumikat sa larangan ng futbol, isang mapangahas na hakbang ang ginawa ng banko patungo sa pagpapalakas ng ugnayan nito sa mga komunidad na pinahahalagahan ang tibay, ambisyon, at lakas ng loob — mga katangiang parehong taglay ng mga atleta at ng tatak GoTyme Bank.

Ang partnership na ito ay tatagal nang tatlong taon, na nakatuon sa komprehensibong pag-unlad mula sa mga programa sa grassroots hanggang sa mga pandaigdigang kompetisyon.

Ang mga pangunahing inisyatiba ay kinabibilangan ng:

• GoTyme Bank Cup 2025: Paglulunsad ng kauna-unahang GoTyme Bank Cup, isang premier na torneo sa futbol na magdadala ng mga pambansang koponan ng kalalakihan at kababaihan mula sa Filipinas, South Africa, Vietnam, at Singapore. Ang kaganapang ito ay naglalayong maging pinakamahalagang torneo sa futbol sa rehiyon.

• Suporta sa mga Pambansang Koponan: Ang mga pambansang koponan ng PFF, mga coach, at mga manlalaro ay magsisilbing brand ambassadors ng GoTyme Bank. Ang mga produkto ng banko ay isasama sa mga pinansiyal na operasyon ng koponan, kabilang ang mga allowance para sa lokal at internasyonal na paggamit, na magpapakita ng malakas na alok ng GoTyme Bank para sa mga paglalakbay sa ibang bansa.

• Pagpapalakas ng Fan Engagement: Maaaring maghintay ang mga tagahanga ng futbol ng mga eksklusibong pribilehiyo tulad ng limitadong edisyon ng mga merchandise ng fan, pagkakataon na manalo ng libre o deskontadong tiket, meet-and-greet na mga kaganapan kasama ang mga manlalaro, at mga community watch parties upang suportahan ang pambansang koponan.

• Mga Programang Pagpapaunlad sa Grassroots: Maglulunsad din ang GoTyme Bank ng isang serye ng mga outreach program ngayong taon. Ang mga inisyatibong ito ay nakatuon sa pagpapayabong ng mga kabataang talento sa buong Filipinas. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

DOST Ilocos VAW

DOST Ilocos Region Deepens its Advocacy for a VAW-Free Philippines Through “ Orange your Icon” Event

Moving the region closer to a truly VAW-free community, the Department of Science and Technology …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …