Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Tagilid si Pia Cayetano

SIPAT
ni Mat Vicencio

KUNG hindi magiging maayos ang campaign strategy ni Senator Pia Cayetano, malamang na masibak ang kanyang kandidatura at tuluyang hindi maging miyembro ng Senado sa pagbubukas ng Kongreso sa darating na Hulyo.

Pansinin ang latest senatorial survey ng Pulse Asia, halos malaglag sa ‘Magic 12’ si Pia, at nasa ika-11 puwesto na lamang kung ihahambing sa naunang survey na nasa ika-5 puwesto pa ang senadora.

Malaki ang ibinagsak ni Pia sa survey ng Pulse Asia at nalagpasan na siya sa puwesto ng kanyang mga kasamahan sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas tulad nina Senator Bong Revilla, Lito Lapid, dating Senador Manny Pacquiao, at Makati Mayor Abigail Binay.

Kung matatandaan, si Pia ay sagad-sagaring pro-administration noong naghahari pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte pero mabilis na kumambiyo ng loyalty nang maluklok si Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

At ngayong nahaharap sa malaking problema si Digong, walang naririnig kay Pia tungkol sa pagkakaaresto sa dating pangulo at tahimik na tahimik, nagmamasid at nakikiramdam kung kaylan dapat maninindigan.

Silip na silip ang diskarte ni Pia dahil nang pumutok ang balitang inaresto si Digong ng PNP at Interpol para humarap sa ICC sa The Hague, kaagad na hindi sumipot ang senadora sa malaking rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas sa Tacloban, Leyte.

Iwas-pusoy si Pia? Takot na magalit ang mga DDS na makitang nasa entablado siya kasama si Bongbong. Nakakahiya dahil halatang ginagaya ni Pia si Senator Imee Marcos na ‘namamangka sa dalawang ilog’.

At hindi dapat kalimutang si Pia ay isa sa 17 senador na bumoto noon para aprobahan ang Rome Statute ng ICC. Tanging si dating Senador Juan Ponce Enrile lamang ang hindi pumabor at nagbabala na maaaring ang isang pangulo ng Filipinas ay makaladkad at paharapin sa ICC.

Kaya nga, kailangan talagang harapin at sagutin ang mga isyung ibinabato laban kay Pia. Manindigan at patunayang walang mali sa kanyang mga ginawa, higit sa lahat hindi dapat umiwas sa kontrobersiya.

Siya nga pala, hindi ba si Pia ang principal author at main sponsor ng POGO Law o RA 11590? Ang batas kung bakit lumaganap ang POGO gambling hub sa Filipinas na nagresulta ng kidnapping, prostitusyon, pagpatay, at iba pang krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …