Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
David Licauco Sanya Lopez

David at Sanya magsasama sa isang pelikula

RATED R
ni Rommel Gonzales

MUKHANG susubukin ang katatagan ni David Licauco bilang si Deacon Sam sa upcoming film ng GMA Pictures na Samahan ng mga Makasalanan.

Sa teaser trailer na ipinalabas kamakailan, makikita ang karakter ni David na mapapadpad sa Santo Cristo, na may isang lugar na kung tawagin ay Kalye Makasalanan. Tila nagtipon-tipon ang mga tukso sa buhay ng tao.

Siyempre pa, excited na ang fans ni David na muli siyang mapanood sa isang pelikula. Say ng isang fan:“Omg Deacon Sam! Hindi ko palalampasin ang movie mo!” 

Pinusuan din ng netizens si Sanya Lopez na handang-handa na para sa summer swimsuit scene. 

Bukod pa sa entertainment bilang comedy film ito, tiyak na marami pang ibang handog ang pelikula sa bawat manonood, lalo pa’t makakasama rin ang iba pang mahuhusay na artista sa industriya tulad ni Joel Torre kasama pa sina Betong Sumaya, Soliman Cruz, Jun Sabayton at iba pa.

Ipalalabas ang pelikula sa April 19 sa lahat ng sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …