Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sinagtala Glaiza de Castro Rayver Cruz Arci Muñoz Matt Lozano Rhian Ramos

Glaiza emosyonal naiyak nang pag-usapan ang musika

RATED R
ni Rommel Gonzales

IKINAGULAT ng marami ang pagluha ni Glaiza de Castro sa mediacon ng pelikulang Sinagtala.

Light kasi ang mood ng interbyuhan pero biglang napaiyak si Glaiza sa topic ng musika at kung paano ito nakaaapekto sa buhay ng cast ng pelikula na kinabibilangan nina Glaiza, Rayver Cruz, Arci Muñoz, Matt Lozano. at Rhian Ramos.

Lahad ni Glaiza, musika ang nagsalba sa kanya sa kalungkutan.

Bakit ako naiiyak?” ang tanong ni Glaiza na tila nagulat din sa biglang bugso ng kanyang emosyon.

Birong-bawi pa ng aktres, “Sorry, guys, feeling ko lang. May PMS ako ngayon so medyo emotional ako.

“Pero kapag pinag-uusapan ‘yung music kasi very significant sa akin.

“And para sa akin, gift talaga ni Lord sa akin, sa pamilya ko, kasi musically driven na family kami.

“So, parang every time lang na may struggle, talagang ‘yung music ang nagpapasaya sa amin.

“Kaya parang itong pelikula na ito, noong nakita ko, akala ko nga hindi ko na magagawa.

“Pero in-allow ni Lord na mapasama ako rito, makilala ko si Direk Mike na matagal ko nang gustong makatrabaho,” emosyonal na pagbabahagi pa ni Glaiza.

Ang Sinagtala ay mapapanood sa mga sinehan sa April 2, mula sa Sinagtala Productions at sa direksiyon ni Mike Sandejas.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …