RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGSIMULA ang showbiz career ni Eula Valdes bilang isa sa mga orihinal na artista ng Viva Films sa pamamagitan ng classic hit movie na Bagets noong 1984.
Mula noon ay sumikat na si Eula at kinilala bilang isang mahusay na aktres at gumawa ng pelikula at teleserye para sa iba-ibang production outfits.
And recently, halos taon-taon ay may project si Eula sa Viva, tulad ng Martyr or Murderer noong 2023 at ang Nokturno nitong 2024.
This March naman ng kasalukuyang taon, may pelikulang muli sa Viva Films si Eula at ito ay ang Lilimna palabas ngayon sa mga sinehan.
Hudyat ba ito na Viva na muli ang magma-manage ng showbiz career ni Eula?
Paglilinaw ni Eula, “Hindi, hindi ako mina-manage or ima-manage ng Viva but they’re helping me and I’m grateful at masaya ako na kung saan ako nag-umpisa hanggang ngayon ay nakakapagtrabaho pa rin ako para sa kanila.
“Hindi ako mina-manage ng Viva pero thankful ako.
“Marami akong nagawa sa Viva na magaganda at memorable at isa pa ito, ang ‘Lilim’ memorable rin, after all these years nakakagawa pa rin ako and kinukuha pa rin ako ng Viva.
“Very thankful talaga ako sa Viva.”
Mula sa direksiyon ni Mikhail Red, nasa Lilim sina Heaven Peralejo, Ryza Cenon, Mon Confiado, Skywalker David, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Phoebe Walker at marami pang iba.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com