Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sinagtala Arci Muñoz BTS

Arci ilang beses iniligtas ng BTS

RATED R
ni Rommel Gonzales

BALIK-SHOWBIZ si Arci Muñoz sa pelikulang Sinagtala na kasama niya sina Rhian Ramos, Rayver Cruz, Matt Lozano, at Glaiza de Castro. Sa direksiyon ni Mike Sandejas, mula sa Sinagtala Productions.

Aminado si Arci na hirap siya sa karakter niya sa pelikula dahil mabigat ito bukod pa sa malayong-malayo raw ito sa pagkatao niya sa tunay na buhay.

Samantala, kumakayod mabuti si Arci ngayon dahil nag-iipon siya ng pambili ng ticket sa nalalapit na concert ng K-pop boy group na BTS.

Lumitaw ang pagiging avid fan ni Arci o “Army” na siyang tawag sa mga tagahanga ng BTS.

Paborito niya ang Yet to Come (The Most Beautiful Moment) na kanta ng Korean boy band.

Pagbabahagi pa ni Arci, maraming beses na iniligtas siya ng BTS.

Kasi sila rin ang nagpapasaya sa akin.

“Maraming times talaga na sinave ako ng BTS.

“Tapos malapit na silang lumabas sa military training, so gastos,” at tumawa si Arci.

Nagtatrabaho na po uli ako ngayon para may pambili ako ng ticket, may pambudol.

“Naniniwala ako na sa dami ng pinagdaanan ko, the best is yet to come and this is my year, na magiging blockbuster ang ‘Sinagtala,’” ani Arci tungkol sa pelikula nilang ipalalabas sa mga sinehan sa April 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …