Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Suspek sa pagpatay sa 2 pulis timbog
Kasabwat patuloy na tinutugis

POSITIBONG resulta ang natamo ng pulisya sa mabilis na follow-up operation na kanilang inilatag sa Bulacan na ikinaaresto ng isang suspek sa pagpatay sa dalawang pulis ng Bocaue nitong Sabado ng tanghali, 8 Marso.

Matatandaang dakong 12:00 ng tanghali noong Sabado, habang nagsasagawa ng buybust operation sina P/SSg. Dennis Cudiamat at P/SSg. Gian George Dela Cruz ng Bocaue MPS laban sa mga ilegal na baril sa Sitio Tugatog, NIA Road, Brgy. Tambubong, Bocaue, nang bigla silang atakehin ng mga hindi kilalang suspek.

Tinamaan ng bala ng baril sa ulo si P/SSg. Cudiamat na agad binawian ng buhay, habang isinugod sa ospital si P/SSg. Dela Cruz na naging kritikal ang kondisyon sa tindi ng pinsala sa kaniyang katawan.

Sa kabila ng interbensiyon ng medisina, binawian ng buhay si Dela Cruz dakong 3:00 ng hapon.

Napag-alamang tumakas ang mga salarin patungo sa direksiyon ng Pandi, Bulacan matapos kunin ang mga baril ng mga opisyal.

Kasunod nito naglunsad ng agresibong follow-up operation ang Bulacan PPO na humantong sa pagkakadakip sa isang suspek na kinilalang si alyas Dado, 38 anyos, residente sa Brgy. Bunsuran, Pandi, Bulacan.

Samantalang, nananatiling nakalalaya ang isa pang suspek na kinilalang si alyas Athan, matapos makipagbarilan sa mga awtoridad at tumakas dala ang service firearm ng mga pulis.

Nakompiska mula sa naarestong suspek ang isang caliber .38 revolver na walang serial number, isang hand grenade, isang motorsiklong Rusi 125 na may sidecar, isang genuine P1,000 bill na ginamit na buybust money, at apat na boodle money bill.

Sa karagdagang imbestigasyon, nadiskubre ang isang Honda Beat na motorsiklo sa Brgy. Bunsuran 2nd, Pandi, na pinaniniwalaang ginamit ng tumakas na suspek.

Sa kasalukuyan, aktibong sinusubaybayan ng mga awtoridad gamit ang surveillance footage at intelligence reports.

Nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kaugnay ng Omnibus Election Code, RA 9516 (Illegal Possession of Explosives), at double murder ang mga suspek. (30)

Kaugnay nito ay mariing kinondena ni PBGeneral Jean S. Fajardo, regional director ng Police Regional Office 3 ang pagkitil sa buhay ng dalawang pulis at tiniyak na makakamit ang hustisya.

Hinihimok din ng opisyal ang may kaugnay na impormasyon para mag-ulat sa pinakamalapit na estasyon ng pulisya upang mahanap at madakip ang natitirang suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …