SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PARA kanino nga ba talaga ang awiting Nandito Lang Ako ni Jojo Mendrez? Ito ang tanong ng marami ngayong bukod kay Mark Herras nauugnay din ang tinaguriang Revival King kay Rainier Castillo.
Ang Nandito Lang Ako ang unang original song ni Jojo na pumirma ng kontrata kamakailan sa Star Music. Ang Nandito Lang Akoay komposisyon ni Jonathan Manalo na ire-record ni Jojo kasama ang iba pang mga kanta. Sa music video ng awiting ito makakasama ni Jojo ang National Artist na si Nora Aunor. Si Nora ang isa sa paborito ng negosyante/singer. Ukol sa patience, sacrifice, at unconditional love ang istorya ng Nandito Lang Ako.
“National Artist and the Country’s Superstar Ms. Nora Aunor, excited sa gagawing Music Video ng kanta ni Jojo Mendrez ‘Nandito lang ako’. Coming soon, under Star Music,” pahayag ni Jojo sa kanyang official Facebook page kasama ang short video ng movie icon at nag-iisang Superstar.
Ukol naman kina Rainier at Mark, parehong produkto ng Starstruck, original artista search noon ng GMA ang dalawa. Si Mark ang itinanghal na Ultimate Male Survivor habang si Jennylyn Mercado ang Ultimate Female Survivor.
Sa pag-uugnay naman ngayon kina Jojo at Rainier, sinasabing tila nagkakasulutan daw ang magkaibigang Mark at Rainier. Kasi nga si Rainier naman daw ang umano’y palaging kasama ngayon sa mga lakaran at gimikan ni Jojo.
Unang nabalitang may relasyon umano sina Mark at Jojo nang maispatan silang magkasama sa isang hotel casino na sinundan pa ng sorpresang pagdating ng Kapuso star sa presscon at single launch ng Revival King na nagbigay at nagdala pa ng bouquet of flowers.
Agad namang nilinaw ng OPM artist na naging malapit sila ni Mark dahil sa naging collab nila para sa hit revival song na Somewhere In My Past na si Jojo nga ang napili ni Doc Mon Del Rosario, composer ng awiting ito para mag-revive na pinasikat noong 80’s ni Julie Vega.
Kasunod nito, itinanggi rin ni Mark na magdyowa sila ni Jojo. Ani Mark. Anito, kaibigan lamang niya si Jojo at ang pagbibigay ng flowers dito’y bilang suporta lamang.
“Just to be there and show my support kay Jojo. I mean, yeah, we started as (katrabaho) and eventually, nagingclose friend kami. Wala namang masama magbigay ng bulaklak,” pahayag ni Mark sa isang interview sa kanya.
Kamakailan, lumabas naman ang litrato nina Jojo at Rainier na kuha habang naglalaro sila sa hotel casino. Naispatan din doon ang singer at si Mark.
Sa paglabas ng mga kuhang ito, iniugnay na si Rainier kay Jojo.
Mayroon ding reaction video si Rainier sa kanya ni Jojo na, Nandito Lang Ako na mapapanood sa Facebook page ng singer.
Kaya naman lalong naloka ang fans! Sino raw ba talaga kina Mark and Rainier ang apple of the eye ni Jojo?
Kanino nga ba talaga ang kanta niyang Nandito Lang Ako? Pakisagot nga Jojo.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com