Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Eula Valdes Lilim

Eula madalas makakita ng multo

RATED R
ni Rommel Gonzales

LAPITIN ng multo si Eula Valdes.

Kuwento niya, “Bata pa ako, naglalaro ako sa long table sa bahay namin sa Nueva Ecija ng bahay-bahayan, ako lang.

“Tapos may mga kurti-kurtina pero towels iyon, tapos isang beses may nakita ako na naka-float na legs!

“Pero ito ‘yung nakakatawa kasi imbes na, kung ito ‘yung long table andito ‘yung nakita kong pair of legs, dito ako pumunta,” na naroroon daw ang nakalutang na mga binti.

Sumisigaw ako pero papunta sa kanya. Tapos sabi ko lola ko ‘yun.

“And then tinanong ako ng mga kapatid ko, ano ang suot? Sabi ko saya and gray na brownish, parang ganoon.

“And it turned out na iyon ‘yung suot niya niyong namatay siya.

“Okay marami pa. Ayoko ring pumupunta sa mga patay kasi madalas may “sumusunod.”

May maids ako dalawa sila papunta sila sa akin, nagdi-dinner ako tapos nagtatawanan sila sabi ko, ‘Sino ‘yang nasa gitna niyo? Sino ‘yang lalaki sa gitna niyo?’

“Tapos nagtinginan sila, ‘Ma’am naman nakakatakot ka naman, eh!’

“Tapos ang nangyari pala kaya ako nakakakita ‘yung neighbor namin nagpa-renovate ng bahay and may namatay pero hindi nila sinabi.

“Kumbaga silent sila, hindi nila sinabi o ipinaalam sa amin na may namatay, so iyon pala ‘yung nakita ko.

“Sa taping, sa Antipolo, may mga nakikita ako na nasa puno, maiitim, tapos ‘yung mga mata nila, umiilaw!

“Dapat kinakausap mo sila, alamin mo kung bakit, or anong ginagawa niyo and sabihin mo na wala kayo roon para manggulo and sila rin parang curious din sila kung anong nangyayari.

“Kasi taping iyon parang nakasampay lang sila sa puno and nanonood.

“So sinasabihan ko lang din ang mga tao na huwag silang magkakalat kasi siyempre ayaw nila ‘yun, na naiistorbo rin sila.

“Actually marami! Nasanay na lang ako.

“Minsan nagtu-toothbrush, alam mo ‘yung nararamdaman mo mayroo  sa likod mo and sasabihin mo lang, ‘Hmmm inaantok na ako ayokong matakot ha, puwede ba?’

“‘Di ba, ‘yung mga ganoon. Deadma ka na lang and iyon nga kakausapin mo.

“Habang kumakain. Ha! Ha! Ha! May bata,  stripes ‘yung kanyang shirt and then nasa kabisera ako, nakaupo kumakain tapos eto ‘yung papuntang second floor, hagdanan iyan,  may batang sisilip tapos ‘pag titingin ako, magtatago, tatapos titingin na naman siyang ganoon, tapos magtatago, nakikipagtaguan siya sa akin.

“Iyon lang, marami actually, sanay na.”

Nasa cast si Eula ng Lilim na horror film ng Viva Films kasama sina Heaven Peralejo, Ryza Cenon, Mon Confiado, Skywalker David, Rafa Siguion-Reyna, Nicole Omillo, Phoebe Walker,

at marami pang iba.

Palabas na ngayong March 12 sa mga sinehan, mula sa direksiyon ni Mikhail Red.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …