Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Espantaho Fantasporto International Film Festival

Judy Ann reyna ng horror film, waging best actress sa  Fantasporto 2025

RATED R
ni Rommel Gonzales

IWINAGAYWAY na naman ni Judy Ann Santos ang bandera ng Pilipinas.

Nagwaging Best Actress si Judy Ann sa 45th Fantasporto International Film Festival nitong Sabado ng gabi (sa Pilipinas) para sa napakahusay na portrayal, bilang si Monet sa horror film na Espantaho ng direktor na si Chito Roño.

Ginanap sa Porto, Portugal, lumipad patungo sa naturang bansa ang mag-asawang Judy Ann at Ryan Agoncillo dahil nga pasok sa listahan ng mga nominee ang Espantaho at si Judy Ann.

Nagkaroon din ng screening doon ang pelikula.

At nitong March 9 sa mismong awards night, sa video ng road manager ni Judy Ann (na si Ralph Mercado) ay naroroon mismo ang pag-a-announce sa pangalan ni Judy Ann bilang Best Actress.

Nasa video ang gulat at tuwa ni Judy Ann nang tawagin ang pangalan niya bilang Best Actress.

At bago siya umakyat sa entablado ay hinalikan siya sa labi ni Ryan.

Sa acceptance speech ay nagpasalamat si Judy Ann sa mga bumubuo ng jury. Inihayag niya na masaya siya na irepresent ang bansang Pilipinas sa naturang festival.

Of course, inihandog ng aktres ang kanyang acting award kina Ryan at sa mga anak nilang sina Yohan, Lucho, at Luna at sa direktor ng Espantaho na si Chito Rono, sa screenwriter ng pelikula na si Chris Martinez, at sa co-producer niya (ng Purple Bunny Productions), si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films, at sa buong team ng Espantaho.

Samantala, si Judy Ann din ang itinanghal na pinakamahusay na aktres sa 50th Metro Manila Film Festival nitong nakaraang December, 2024.

Ipinalabas ang Espantaho noong December bilang isa sa official entries sa 50th MMFF.

At bago ang international acting award ni Judy Ann sa Fantasporto ay nakapag-uwi na rin ng karangalan si Juday bilang Best Actress sa 41st Cairo International Film Festival para sa pelikulang Mindanao noong 2018.

Ani Juday sa kanyang speech, “It is heavy (referring to her trophy). There’s a lot of excess baggage when I get back home.”(tumawa si Judy Ann.

“I would like to thank the jury of Fantasporto for the recognition. It is with great pride and honor that I am here to represent my country which is the Philippines.

“I would also like to share this award with my director Chito Roño, our writer Chris Martinez and, of course, to [the] Espantaho team.

“And to my husband and to my three children, they’ve been always my inspiration in every project I make.

“Porto is such a beautiful city. I am just so happy I would be bringing home the best souvenir.”

Ang iba pang mga nagwagi:

– Jury’s Special Award: Cielo, Alberto Sciamm, 107 (UK)

– Best Direction: Sam Quah, A Place Called Silence (China)
– Best Actor: Brendan Bradley (Succubus) – R.J. Daniel Hanna (E.U.A.)
– Best Screenplay: Yugo Sakamoto (Ghost Killer)
– Best Cinematography: Alex Metcalfe – Cielo, Alberto Sciamma (UK)
– Best Short Film: Happy People by Budavari Balazs (Hungary)
– Special Mention of Fantasy Jury: Gosto de Te Ver Dormir – Hugo Pinto (Portugal)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …