Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cris Villanueva Herlene Budol 

Cris pinuri pagiging seryoso ni Herlene sa trabaho

RATED R
ni Rommel Gonzales

SI Cris Villanueva ang gumanap na ama ni Herlene Budol sa Binibining Marikit ng GMA kaya kinumusta namin sa aktor ang pagganap niya bilang tatay ng beauty queen?

“Madaling makipag-bond sa kanya kasi ano siya, very open siya eh.

“Katulad nga niyong game na game siya, ‘pag tinanong mo, sagot siya, hindi lang siya showbiz. Wala ‘yung nag-iisip na baka makasira ng image, walang ganoon.

“Basta sasabihin niya agad sa ‘yo eh, ‘Tay okay lang ba, ganito ‘yung gawin?’ ‘Oo’, sabi kong ganoon.

“Ano siya, very open, nakatutuwa kasi seryoso siya sa ginagawa niya, kahit na sabihin nating para siyang luka-luka na dire-diretso magsalita, seryoso siya.

“Mayroon siyang nag-a-advise sa kanya on how to attack it, pero mayroon siyang sariling atake na nakatutuwa, pati ‘yung words na ginagamit niya, minsan nagugulat ako, nakatutuwa.”

Kumusta katrabaho ang mga kabataang artista ng Binibining Marikit sa set na tulad nina Tony Labrusca, Thea Tolentino, Ashley Rivera, Jeff Moses, Migs Almendras at ang male pageant winner-turned Sparkle artist na si Kevin Dassom.

Dito lahat ng nakatrabaho ko, very polite. 

“Talagang nagpapakilala agad, pagpasok ng tent, ‘Ay ako nga pala si ano’, and I like that.

“Nakatutuwa ‘yun para sa akin na ganoon sila.

“Siguro tinuruan or napagsabihan, but it feels nice para sa katulad ko, na ‘yun nga, they go out of their way to introduce themselves.

“Dito sa set namin kasi masaya eh, na parang from the start naman nandoon ako, so parang nag-bond kami agad ng mga bagets, ng mga co-star ko, so ang sarap.

“Lalo si Herlene, totoo ‘yung sinasabi nila na iba ‘yung energy ni Herlene eh, hindi siya… basta binitbit niya lahat, kasi ano siya eh, bubbly talaga.”

“Life of the party” daw si Herlene ayon pa kay Cris.

Sa direksiyon ni Jorron Lee Monroy, napapanood ang Binibining Marikit mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at para naman sa Pinoys abroad ay via GMA Pinoy TV. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …