Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez

Jojo Mendrez pinadagundong guesting sa comedy bar

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BAKIT ba ang ingat ni Jojo Mendrez?

Teka. Sino siya?

Dahil sa taglay niyang talento sa pag-awit, kinilala siya sa pagsisikap na makapagbahagi ng sariling estilo bilang “Revival King.”

Niyakap ng mga mahilig sa musika ang bersiyon niya ng mga kanta ng APO at ni Florante.

Pero dumating ang pandemya kaya nakudlitan ang umusbong na niyang karera sa pagkanta.

Na naging dahilan naman para mapaghandaan na niya ang kasunod na plano ng muling paglantad sa mundo ng musika.

Eto na nga. Paborito niya ang piyesa na pinasikat ng yumaong Julie Vega noong dekada 80. Ang Somewhere in My Past.

In some ways, relate rin daw siya sa kanta.

Dahil kung may babalikan nga naman siya in his past, ‘yun ang mga bagay na dinaanan niya para makarating kung nasaan siya ngayon.

Kaya tuwang-tuwa si Jojo nang sa unang salang pa lang ng nasabing revival, million views na ang tinamo nito. 

Kaya natuwa siya nang lumagda na ng kontrata sa Star Music sa paggiya ni Jonathan Manalo. Na may piyesa ring ginawa para sa kanya.

Nasaksihan din namin ang napaka-gandang pagtanggap kay Jojo ng kanyang mga tagasubaybay, nang samahan siya ng mga ito sa pagdalo niya sa birthday show ni Romel Chika sa Clownz Republic.

Dagundong ang comedy bar sa hiyawan at palakpakan ng supporters ng Revival King.

At sa mga ganoong pagkakataon, naipapamalas din ni Jojo ang pagiging generous at bukas-palad.

Biglaan siyang nagpapa-game na cash ang katumbas. Walang kaabog-abog!

Kaya hindi naman ito nababahala kung sa kalagitnaan ng kanyang pamamayagpag ngayon ay may mga panggulo on the side.

Iniiwasan na nga niya na lumaki ang mga isyu o usap-usapan, pero the situation presents itself.

Mantakin mo namang sa presscon niya, lumitaw ang nauugnay sa kanyang aktor na may dalang mga bulaklak.

Deadma na lang si Jojo. Kasi nga naman mag-deny siya o hindi, paniniwalaan ng tao ang gusto nila.

Basta ang mahalaga, nagsimula na siyang mamayagpag.

Ang aabangan nga raw sa kanyang ilalabas na video eh, ang partisipasyon ng National Artist at Superstar na si  Nora Aunor.

Kaya alam na this. Alam  na natin kung sino siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …