RATED R
ni Rommel Gonzales
MAS feel ni Marian Rivera na pagtuunan ng pansin ang kung ano ang dumating kaysa mag look forward ng kung anuman.
“Minsan kasi parang…walang masamang mag-look forward sa mga bagay at gusto mong marating, mangarap, pero minsan darating ka sa punto sa buhay mo na nandoon ‘yung kuntento ka.
“Ngayon kapag may project na ibibigay sa ‘yo at may pulso ka roon na parang, ‘Ah gusto ko uli ‘tong gawin’, parang doon ka magpo-focus.
“Kasi minsan kapag ang dami-dami mong gusto, minsan nawawala ‘yung focus mo sa isang bagay na maganda dapat at pinagtutunan mo ng pansin, so this time ganyan ang gagawin ko.
“Pipili ako ng project, kung ano ‘yung napupulsuhan ko at ano ‘yung may spark ako, iyon ‘yung gagawin ko.”
Naikuwento ni Marian na gabi-gabi bago matulog ay kinakausap niya ang mga anak nila ni Dingdong Dantes, sina Zia at Sixto, tungkol sa mga naging ganap ng mga ito sa eskuwelahan.
“Marami kaming secrets eh, ‘Mommy it’s just for you ha, don’t tell anyone’.
“Ang dami, hindi ko maisa-isa kasi everyday ang dami nilang ikinukuwento sa akin na nakatutuwa.
“Na nag-open up sila sa akin, especially with Zia. Si Zia kasi malaki na eh, so mas marami siyang experience, mas marami siyang natututunan, marami siyang questions sa akin. So may mga ganoon.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com