Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ron Antonio

Zumba event ni Ron nakaka-happy lalo sa mga senior

RATED R
ni Rommel Gonzales

IDINAOS ng Zumba King na si Ron Antonio ang annual zumba event niya na tinawag na Wow Zayaw sa Quezon Memorial Circle grounds bago matapos ang taong 2024.

Nasa 300 Zumba instructors ang dumalo sa event at mahigit 2,000 zumba participants naman ang nakisali sa araw na iyon.

It’s not a competition, it’s a parang dance presentation. We’re trying to avoid the contest kasi nagkakaroon ng inggitan, they feel bad right after if they don’t win, so this is just for fun.”

Hindi man paligsahan ang Wow Zayaw ay namahagi rin siya ng mga special award.

“Mayroon,” bulalas ni Ron. “Nagbigay kami ng mga award, mga plaque, Best in Costume, Most Energetic, Zayaw Gold sa mga senior, Most Graceful, you know, all these things.

“So it’s more of enjoy lang na event. Kasi ‘yung iba they do it… sometimes it’s kind of delikado, especially for the seniors. ‘Yung galawan na masyadong hataw.”

Si Ron ay dating miyembro ng That’s Entertainment at ng all-male group na Wiseguys.

Nakapagtala si Ron sa Guinness Book Of World Records noong 2018 ng record-breaking zumba event na dinaluhan ng halos 14,000 participants na ginanap sa Pili, Camarines Sur.

Si Ron lamang ang tanging Filipino zumba instructor at recording artist na nakapag-record at nag-release ng mga zumba-inspired OPM albums, tulad ng Zayaw Pilipinas (2016), Pinas Zayaw (2018), Pinas Zayaw Remix (2020), Zayaw Remix (2021) at noong December 1, 2024 ini-release ang Zayaw Mundo.

Ano ang inspiration ni Ron kapag nagko-compose siya ng kanta na para sa zumba?

“To be honest, my inspiration is them,” pagtukoy niya sa mga dumadalo sa kanyang zumba events. “Sila ‘yung inspiration ko. Like I wrote this song called ‘Ikaw Ang Reyna.’ It’s the stories of the zumba ladies, ‘Ikaw ang reyna, ikaw ang bida, panalo sa porma, nakakaakit ang iyong ganda. Ikaw ang reyna, ikaw ang bida, ngiti mo ‘yung nakakaloka. Sige na, isayaw mo.’

“So I was thinking about them.”

Ano ang fulfillment ni Ron sa pagdaraos ng mga ganitong zumba event?

“It is very fulfilling. Just them, seeing their happy faces saying na, ‘Ron grabe, ang lakas mo talaga sa amin, kahit umulan, ang layo ng pinanggalingan namin,’ that’s enough. It makes me so much… so happy,” wika pa ni Ron.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …