RATED R
ni Rommel Gonzales
“YES, first time ko,” ang bungad sa amin ni Gerald Santos tungkol sa pagganap niya sa isang musical play na naka-costume at ito ay sa HAPHOW.
“I’m a bit anxious, of course, magiging butterfly, tapos ‘yun, magiging caterpillar.
“But you know, I’m excited, mas lamang ‘yung excitement, of course, kasi first time nga.
“There will be a lot of firsts dito sa musical na ‘to, so excited, excited ako.”
Ang HAPHOW ay nangangahulugan ng Humility, Acceptance, Patience, Honesty, Open-mindedness, at Willingness.
Isang original Filipino musical, ang HAPHOW na mula sa produksiyon ng CityDanse Academy at Show Master Artist Management and Public Relations.
Mapapanood ito sa Newport World Resorts sa May 28-30 at sa September 5-7, 2025.
Si MJ Aspacio ang artistic director, playwright, composer, at arranger nito samantalang si Antonino Rommel Ramilo naman ang musical director kasama si Dr. Salve B. Arbo bilang creative director at music arranger.